Chapter One

228 4 3
                                    

Prayer Sent



Heather's POV



NAKAHARAP ako sa aking laptop na gumagawa ng project ng biglang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag ang aking kaibigan na si Hillary Taylor. 


Ano na naman kaya ang sadya nito sa akin? Kanina pa ako kinukulit ng pinsan nitong si ate Margaux, ngayon ay siya na naman ang tumatawag. Hindi na talaga ako matatapos dito sa ginagawa ko.


"Bes, pwede ko bang isama ang pinsan ko sa outing natin para may kapartner ka naman?" bungad ni Hillary sa kabilang linya sabay tawa ng malakas. Hindi man lang ito nag-hi or hello. Bastos talaga nito. 


Tinutukso kasi ako nito, kasi sa aming magbabarkada ako na lang ang walang partner. Itong si Hillary ay may better half na nga daw, eh malabo naman. May ka-MU kasi ito, si Brixton Everleigh. Kaso lang yung pagka-MU nila hindi bilang may mutual understanding kung hindi MU as in may malabong usapan. Hindi pa naman daw sila, pero kung umasta ang mga ito sa isa't-isa daig pa ang totoong magkasintahan.


"Bes, tigilan niyo na nga ako diyan sa kakareto niyo ng kung sinu-sino sa akin. Para niyo naman akong binubugaw niyan eh. At tsaka pwede ba, kaya ko namang pumunta sa outing natin ng walang kapartner kaya tigilan niyo na ako." mahabang saad ko sa kaniya. Pinahalata ko talagang naasar na ako sa mga pinaggagawa ng aking mga kaibigan. 


Nakakatampo! Bawal na bang sumama sa outing ang mga single? 


Oo na. Aaminin ko na. Sa aming magbabarkada ako yung astigin gumalaw at medyo may pagka man-hater. Sabi nga nila titibo-tibo daw ako. Hindi naman talaga ako galit sa mga kalahi ni Adan, sadyang naiilang lang ako sa kanila. But there's always an exception, my family members, my guy friends and siyempre my guy cousins. I grew up with them. Lumaki kasi akong sila lang ang mga kalaro kaya siguro malaking influence din sila sa pagiging boyish ko.  


Kaya nga din siguro wala pa akong boyfriend hanggang ngayon.


May balak kaming magbabarkada na mag outing muna bago ang pasukan. At napagkasunduan naming sa resort nila Brixton pumunta at makiki-overnight na lang din kami sa rest house nila sa Laguna.


Anak mayaman si Brixton. Ang pamilya nito ang may-ari ng isa sa pinakamalaking flower farm sa Laguna. Nag-eexport sila ng bulaklak hindi lang sa Pilipinas, pati na rin sa mga neighboring countries. Galing ito sa marangyang pamilya hindi katulad ni Hillary na laki sa hirap.


"Pero bes, wala kang kapares doon baka mainggit ka lang sa amin. Bawal pa naman mga bitter doon." pang-aasar pa nito sa akin.


"Huwag kayong mag-alala sa akin kasi nandoon din naman si ate Margaux. Walang boyfriend na kasama iyon kasi nga diba nasa Dubai ngayon si kuya Froilan." paalala ko sa kaniya. 


Sa Dubai nagtatrabaho ang boyfriend nitong si Froilan Anderson. Isa itong Pilot ng Emirates Airline. Minsan may lay-over sila dito sa Pilipinas pero minsan isa o hanggang dalawang gabi lang. Nasa Dubai talaga ang main headquarters nilang mga piloto at flight attendants kung saan doon din nakabase ang kanilang pinapasukang kompanya.

I Almost Love YouWhere stories live. Discover now