Chapter Five

25 1 0
                                    

Spontaneous Dates



Heather's POV



CONFIRM. Tinanggap ko na ang friend request niya. Wala namang mawawala kung tatanggapin ko ito. 


Nagulat ako ng biglang tumunog ang notification ng Messenger ko.


BRC (Bryce) is waving at you.


"Thank you." chat nito na may smile na emoticon. 


What the? Gising pa siya. Nagchat pa talaga. Tinagalan ko muna ang pagreply para hindi naman halatang excited akong makipag-usap sa kanya.


"Uy Rainier. Akala ko kung sinong Bryce, ikaw lang pala." nagkukunwaring sagot ko.


"Totoo ko kasing pangalan ay Bryce Rainier Crawford. Pero para sayo, I will make an exemption, you can call me 'mine' for short." pabirong sagot nito.


"Korni mo. Sige patawa pa." mataray na sagot ko. Pero deep inside natatawa naman talaga ako.


"Sige huwag na. Salamat nga pala." nagtatampong sagot nito.


"Salamat saan? Kanina ka pa nagpapasalamat." naguguluhang sagot ko.


"Salamat sa pagpayag na maisayaw kita." nahihiyang sagot nito.


"Hindi naman ako pumayag, you leave me no choice." prankang sagot ko.


"Haha, pareho na din iyon." natatawang sagot nito.


"Bakit nga pala hindi ka pa natutulog?" tanong ko ng wala na akong maisipang sagot.


"Kakarating ko lang kasi ng bahay nila tito, naghakot pa kasi ako 'nung mga regalo." sagot nito.


"Ganoon ba, sige pahinga ka na." nag-aalalang sagot ko.


"Ayaw ko pa. Kachat pa kasi kita." malanding sagot nito.


"Tss. Linyahan ng mga paasa't bolero." napaismid na sagot ko, kahit hindi naman niya nakikita ang reaksyon ko.


"Tooto nga. Tsaka maghahanda pa ako ng mga bagahe ko. Uuwi na kasi ako sa amin. Sa byahe na lang ako matutulog." dagdag pa nito.


"Taga saan ka pala?" curious na tanong ko.


"Taga La Union." sagot nito sabay sent ng gif na sumasayaw na bata.


"Gago ka talaga. Kaya pala hindi kita palaging nakikitang kasama nila Brixton at Spencer. Balita ko magkababata daw kayo?" natatawang sagot ko.

I Almost Love YouWhere stories live. Discover now