14th Day

704 29 10
                                    

HENNESSY COLINDRES' POINT OF VIEW

"Hina, eto oh gutom ka pa ba?" rinig kong tanong ni Heinz sa kuting namin.

"Meow~"

"Oh sige na nga eto pa." kumuha siya sa isdang naihaw ko na at binigay yun kay Hina.

"Hoy Heinz, tigil-tigilan mo nga yan baka masobrahan sa pagkain si Hina. Hanggang bukas ng umaga niya pa yan." bawal ko sa kaniya.

"Ayos lang yan, gusto kong tumaba siya at maging kasing-cute ni Garfield." parang batang sabi niya habang hinihimas si Hina. Garfield? Yung orange na pusang mataba?

Tss.. bahala nga siya pera niya naman yung pinambili nito. Tinuloy ko na lang yung pag-iihaw sa karne. Gustong masubukan ni Heinz na mag-ihaw dito sa likod ng bahay kaya nandito ako napilit niya ulit kung anong gusto niya. May magagawa pa ba ko? Alam ko namang wala eh -.-

Sabi ko nga pera niya naman yung pinambili namin sa karne, kaya pumayag na lang ako. Ewan ko ba bigla rin akong natakam sa inihaw na karne ngayon.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong niya sakin habang binabaliktad ko yung nga natirang mga karne na hindi pa naiihaw. Sinamaan ko naman siya ng tingin sa tanong niya.

"Haha sorry na, hindi ko na papaapuyin ng malakas. Maingat na po ko promise." sabi niya habang nakataas pa yung kanang kamay niya. Weh.

"Ako na, ilabas mo na lang yung isa pang table dito at i-set mo na." sabi ko sa kaniya.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kaniya, well technically hindi nga. Ikaw ba naman ang makakita ng taong naglagaya ng maraming gasolina sa uling, pagkatiwalaan mo pa kaya siya? A big NO answer. Napatili pa ko sa lakas ng apoy na ginawa niya samantalang siya natawa lang sa nagawa niya. Fire + Heinz, hindi magandang kombinasyon.

"Yes boss!" nakasaludong sagot niya sabay takbo papasok ng bahay.

"Meow~" naramdaman ko bigla yung balahibo ni Hina sa paanan ko.

"Oh bakit? Gutom ka pa rin, hindi pa ba sapat yung binigay ni Heinz sayo?" tanong ko sa kaniya. Halah isang araw pa lang tong kuting samin nahahawa na ko kay Heinz na makipag-usap sa kaniya. Nababaliw na ata ako _ _"

"Meow~"

Ayoko man, pero kumuha ako ng maliit na pirasong parte ng inihaw na isda. Makakatanggi ba ko sa ka-cute-an ng pusang to? Umupo ako at nilagay sa kainan niya agad naman siyang sumunod dun.

"Hoy ikaw, na-i-spoiled ka na samin ah. Wag kang masiyadong pa-cutre hinihypnotize mo masiyado yung mga amo mo eh." sabi ko habang hinihimas-himas yung balahibo niya. Pagkapakain ko kay Hina bumalik ako sa ginagagawa ko at nag-ihaw ulit.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko na punung-puno ng texts nila na Happy Valentines Day. Hindi ko naman sila kilala, kaya bakit ko aabalahing replyan sila pabalik. Kung bakit ba naman kasi ipinamigay ko pa yung number ko sa mga kaklase ko nung reunion eh tss. Si daddy binati niya na rin ako at siya lang ata yung ni-replyan ko sa lahat, paano ba naman kasi nakakapagtakang hindi pa rin ako na-tetext ni Sashi at binabati. If I know abalang-abala sila ngayon kasama ang fiancé niya. Grabe hindi niya man lang akong naalalang batiin, ngayon lang to ah. Ang tagal na rin naming di nakakapag-usap sa text o sa tawag, inisip niya atang galit pa rin ako. Siguro nagsasawa na rin siya sa magiging reaksyon ko kapag araw na ng mga puso.

Turing ko sa February 14 ay parang halloween at nakaka-receive ang mga monsters ng chocolates na gawa ng mga witches. Hindi sa pagiging bitter pero hindi ko talaga alam kung ano nga bang purpose ng Valentines Day sa normal na taong gaya ko na wala namang love life. Tanging daddy ko lang napagbibigyan ng chocolates na binili ko nun lagi. Yung mas pinapahalagahan nila ang Valentines Day kaysa sa anniversary nila, it sucks. Ang masaklap pa, dun lang nag-eeffort ang mga tao sa mahal nila pero di nila yun nagagawa araw-araw, kalokohan talaga.

14 daysWhere stories live. Discover now