14 days

2.1K 32 10
                                    

Started: January 18, 2014

Finished: July 21, 2014

-

-

-

-

-

14 Days

Last touch and DONE!

'Di ko naman kailangan na todong magpaganda. It's just a reunion.

And I bet sila sila rin lang naman ang magpapatalbugan dun.

Bakit ko naman kailangang ma-conscious sa itsura ko? Geez nung high school nga I never actually care, ngayon pa kaya.

Buti nga natututo na kong magsuot ng dress ngayon. Tsss.. if it wasn't for my bestfriend Sashi hindi naman talaga ako pupunta sa party na 'yan (- . . -)

Lumabas na ko sa kwarto at bumaba sa may living room. Nakita ko si Herbie na seryosong nanonood ng tv kasama si daddy na nakatutok sa laptop niya. As usual he's too busy for his work again. Nilagpasan ko na lang siya at binuksan ang pinto.

"Hen, are you forgetting something?" rinig kong tanong ni dad sakin nung pagbukas ko ng pinto.

"Hindi na ko teenager dad! Come on! Kailangan ko pa ba talagang sabihin kung anong oras ako uuwi."

Twenty four years old na ko at may trabaho na pero parang sixteen pa rin ang turing sakin ng daddy ko.

"Nag-aala lang ako sayo Hen, party 'yang pupuntahan mo. Alam mo naman ang nangyayari sayo kapag nalalasing ka." paalala pa ni daddy sakin.

"Seriously dad? Kilala niyo naman ako 'di ba? Atsaka kung malasing 'man ako nandun naman si Sashi eh." pagproprotesta ko.

I admit it medyo alcoholic nga ako. Kapag trip ko iinom ako pero iwas akong malasing. Kasi kapag nalasing ako.. ahhmm.. good luck sa katabi ko.

"Naku dad! As if namang hindi malasing 'yan. Eh tomador kaya 'yang si ate!" sigaw nung epal kong kapatid na si Herra. Kakalabas niya lang sa kusina habang may nginunguyang chips.

"Shut up, don't butt in your trashy mouth." *roll eyes*

Hindi ko alam kung anu-ano nasasabi ko kapag umeepal 'tong kapatid ko. Nakakairita talaga siya, magmula nung bata pa kami lagi kaming may giyera niyan.

"Dad! Si ate oh!" maarteng sabi niya.

"Dad! Si ate oh!" *mimicking her with mas maarte tone*

"Ssshh.." napalingon kami kay Herbie nakatingin siya samin.

Napatahimik naman kami agad pareho. Binalik ulit ni Herbie ang tingin niya sa pinapanood niyang action thriller na ewan na movie.

Ayoko 'mang tanggapin pero wala akong magagawa. Mas kinakatakutan pa ang bunso saming tatlo kaysa sakin na panganay. Pati si Herra napapatahimik sa simpleng tingin lang ni Herbie, sana ako rin kinakatakutan ng maarteng 'yan.

"Una na ko." sabi ko.

"Ingat." sabi ni daddy.

"Ingat unggoy." epal ulit ni Herra.

"Sloth (But really it's actually SLUT, landi eh)." habol ko at sinara 'yung pinto.

*Blag!*

Sumakay na ko sa kotse ko at nag-drive papunta sa bahay nila Sashi.

*Peep Peep Peep*

Busina ko sa babaeng nakatalikod, eewww mahilig talaga ako asarin nito. Tss.. nakakaasiwa sa paningin 'yung suot niya.

14 daysWhere stories live. Discover now