4th Day

466 24 1
                                    

HEINZ' POINT OF VIEW

"Tigil-tigilan mo ko sa kadramahan mo Sashi! Kahit maglaslas ka pa ngayon mismo diyan, hindi mo ko mapapauwi!" napabangon ako sa sigaw ni Henz at sumilip sa labas, may tumawag pala sa cellphone niya.

Napangiti ako habang pasimpleng nakamasid sa kaniya. Ganiyan pala talaga siya sisiga-siga makipag-usap kahit sa ibang tao.

"Nagpapatawa ka ba!? Kasalanan mo rin kaya nagtatago ako ngayon sa inyo!"

Nagtatago? Anong ibig niyang sabihin dun? Pareho ba kaming may pinagtataguan din na ibang tao. Pero sa tono niya mukhang hindi naman mapanganib ang mga pinagtataguan niya kumpara sakin.

"'Wag ka ng umasang sasabihin ko kung nasaang lupalop ako ngayon!"

Pero bakit naman kaya niya pinagtataguan 'yung taong kausap niya. Ano nga bang karapatan kong magtanong, nakikitira lang ako kahapon. Kung kahapon nga hindi ko siya matanong tungkol sa pag-iyak niya, ngayon pa kaya.

"'Wag kang mag-alala, may kasama naman ako dito. Sige bye na."

Mukhang ako 'yung tinutukoy niyang kasama niya. May tiwala na pala siya sakin.

"Anong ginagawa mo diyan? At bakit mukha kang maniyak kung ngumiti?" napaatras ako bigla sa may tapat ng pinto. 'Di ko namalayang papasok pala siya sa kwarto.

"Ah wala naman." pasimpleng sagot ko. Inirapan niya lang ako at kinuha 'yung tuwalya niya na nakasabit sa gilid.

"May pupuntahan ka ba?" tanong ko. Parang ang aga niya naman masiyado maligo 7am pa lang naman.

Tinitigan niya pa ko saglit bago sumagot sakin.

"Oo, sa bayan mamalangke." tipid na sagot niya bago pumasok sa banyo.

"Pwede sumama?" sabi ko habang nasa tapat ng pinto ng banyo. Alam kong kailangan kong magtago at manatili dito pero sa tingin ko naman ligtas sa bayan tutal naman maraming tao ngayon dun.

Tinitigan niya ulit ako na parang nag-iisip.

"Hindi." isasara niya na sana 'yung pinto ang kaso hinarang ko agad ng braso ko.

"Sige na, please." nakangusong sabi ko. Mukha na naman akong tanga sa harap niya. Halata sa itsura niyang nandidiri siya sa ginagawa ko. Nakakatawa talaga tingnan ang mukha niya kapag naaasar o naiinis sa mga ginagawa ko.

"O sige ikaw ang kargador ko." pagkasabi niya nun--

*Blag!*

--malakas niyang sinara 'yung pinto. Napalunok ako dahil konting konti na lang mahahalikan o mababangasan na ko nitong pinto.

ㅁ-ㅁ-ㅁ-ㅁ-ㅁ

"Wala ka na bang ibibilis? Ano ba 'yan dalian mo naman diyan!" sigaw sakin ni Henz na nauuna na sa paglalakad.

"S-saglit lang naman." singhal ko habang buhat-buhat 'yung bayong na punung-puno na agad ng gulay at prutas. Sa rami ng pinamili niya parang pang-isang buwan na 'to para sa isang tao. Tapos bibili pa ng karne at mag-gogrocery. Ano bang klaseng sikmura meron si Henz?

"Ginusto mong sumama tapos taga-buhat ka na nga lang 'di mo pa inaayos. Akin na nga 'yan." inagaw niya 'yung hawak kong bayong at binuhat 'yun na parang wala lang. Ako lang ba 'to o talagang mahina lang ang lakas ko kaya hirap ako buhatin 'yun kaysa sa kaniya.

Sumunod na lang ako sa kaniya kung saan 'yung mga bilihan ng karne.

Ako 'yung pinagbuhat niya ng mga binili niyang karne, buti na lang at mukhang vegetarian siya kaya konti lang ang pinamili niya.

14 daysМесто, где живут истории. Откройте их для себя