7th Day

411 23 0
                                    

HENNESSY COLINDRES' POINT OF VIEW

"Gusto mo manood ng movie?" tanong ni Heinz sakin pagkalabas ko ng kwarto.

Napasarap ako ng tulog kaya tanghali na ko nagising. Pero 'tong si Heinz parang hindi marunong mapagod, gising na agad. Siya ba nagtrabaho sa sakahan o ako?

"Anong movie?" tanong ko at dumiretso sa kusina, nakaluto na agad siya ng pagkain. Kaya kumuha na ko ng plato at diretso sa pagkain ng agahan at pananghalian ko na rin.

"Hindi ko pa alam binili ko lang dun sa lalaking naglalako ng piratang DVD!" sigaw niya para marinig ko siya. Oo nga pala may DVD player dito si daddy kasi libangan nila ni Herbie ang manood ng tv.

"Eh 'di tingnan mo title sa harap! Asan utak?" inis na sabi ko habang kumakain.

"Upside Down 'yung title nung isa! Eto na muna unahin nating panoorin ha."

"Mukha bang may magagawa pa ko? Ge i-play mo na!"

"Dalian mo kumain! Hintayin kita!"

Kailangan pa talaga akong hintayin. Geez bahala siya.

----

Pagkakain ko dumiretso na ko sa living room at nakita ko si Heinz na binababa 'yung kurtina.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Nagbababa ng kurtina."

Pilosopo -.-

"Oo nakikita ko nga, eh pero bakit mo binababa 'yan? At bakit nandito 'yung kutson ng kama ko?"

"Para mas komportable sa panonood." nakangiting sabi niya pagkababa niya nung mga kurtina.

Bakit parang wala akong tiwala sa ngiti niyang 'yan? .-.

Lumapit siya sa DVD player at isinalang 'yung DVD na binili niya. Pagkatapos niya dun dali-dali siyang humiga sa kutson na nasa baba lang ng sofa.

"Tara dito nood na tayo." sabi niya habang tinatapik 'yung pwesto sa tabi niya.

Lumapit na lang ako sa tabi niya at kumuha ng unan ko para may masandalan 'yung likod ko.

"Oh." sabi niya habang abot-abot sakin ang isang mangkok ng piattos na may halong boy bawang.

"Ayos ah damang-dama ko na nasa sinehan tayo."

"Hahahaha ssshhh wag kang maingay baka nakakaistorbo tayo sa ibang nanonood."

"Baliw ka na hahaha." natatawang sabi ko.

"Oh mag-uumpisa na."

----

"Pamilyar 'yung mukha nung babaeng bida." sabi ko habang nakatitig kay 'Eve' bidang babae sa 'Upside Down'.

"Siya rin 'yung bida sa Spiderman movie."

"Ahh siya pala yun, kaya pala."

"Ba't hindi mo siya kilala?"

"Hindi kasi ako 'yung tipong mahilig manood ng kung anu-ano. Baka napanood o nakita ko na siya dati kaya napamilyaran ko."

"Magkaiba tayo ako mahilig manood eh. Pero ang ganda ng kwento kahit na sobrang imposible na. Kasi law of gravity na ang kinakalaban nila para mapatunayan 'yung pagmamahal nila-- Oh bakit ganiyan ka makatingin? May nagawa na naman ba kong masama?"

"Ang daldal mo hindi ko na naintindihan 'yung sinabi ni Adam."

"Ah sorry hehe lakasan ko na lang 'yung volume."

14 daysWhere stories live. Discover now