2nd Day

885 27 1
                                    

HENNESSY COLINDRES' POINT OF VIEW

*Blink blink blink*

Napabangon ako bigla nung nakita kong wala na kong katabi. Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala siya? Don't tell me umalis na siya? Pero may naaamoy akong pagkain na naluluto.

Siya 'yun, wala naman siguro siyang planong sunugin 'yung bahay.

Tumayo na ko sa kama at inayos 'yung pinaghigaan namin. And yeah katabi kong natulog si Heinz. Weird nick name. Parang pamilyar na cartoon character, but I don't remember kung ano 'yun.

Kung bakit kami nagkatabi, siya 'yung namilit. Kung paano niya ko pinapayag, kayo ba naman ang sabihang "Sige ka, baka pagkagising mo wala ka ng gamit dito."

Grrr... kailangan ko nga talagang mag-ingat, hindi pa katiwa-tiwala 'yung Heinz na 'yun. Siguraduhin lang niyang matatanggap ko 'yung 2,000 ko. Sayang din 'yun.

Napatingin ako sa orasan, 8 am na pala. Late na ko ng gising, madalas 6 am ang gising ko. Hirap kasi ako makatulog kagabi hindi dahil kay Heinz, kahit naman hindi ko kakilala 'yung katabi ko nakakatulog ako agad. Pero ewan ko ba kagabi at ang hirap matulog. Pumasok muna ko sa banyo para magmumog at maghilamos. Pinusod ko na lang 'yung buhok ko pataas, nakakatamad magsuklay eh.

Pagkalabas ko ng banyo nakita ko siyang kumakain na. Wow ha parang siya lang may-ari nung bahay.

"Ngud Murrning!" bati niya habang punung-puno ng pagkain 'yung bibig niya. Inirapan ko lang siya at umupo sa harap niya kung saan may nakalagay ng plato at may pagkain.

Nagluto siyang sinangag at corn beef. Sumubo ako ng isa. May pakinabang din pala siya sa pagluluto ng maayos.

"Bakit ang tagal mo 'atang nagising? Sabay lang tayo natulog 'di ba?" tanong niya. 'Di ko siya pinansin, nagtuloy lang ako sa pagkain.

"Hindi ka ba sanay na may katabing lalaki?" tanong niya ulit.

'Sanay na ko actually, nakakatabi ko 'yung mga pinsan at kaklase kong lalaki kapag nakikitulog sila samin dati.' yan dapat 'yung isasagot ko kaso hindi ko na naman siya pinansin.

Buti naman at nakaramdam siyang ayoko siyang pansinin kaya nanahimik na lang din siya.

Mga ilang minuto at natapos na siyang kumain. Pero hindi pa rin siya tumatayo sa harap ko. Ramdam kong nakatingin siya sakin. May instant audience ako dito ah. Hinayaan ko na lang siyang panoorin ako hanggang sa matapos akong kumain.

Kinuha ko na agad 'yung pinagkainan namin at dumiretso sa may lababo. Nakasunod siya sakin pero hindi ko na lang siya pinansin. Pusta ko bored lang siya at walang magawa kaya ginusto niyang maging audience ko.

Nung nasabunan ko 'yung mga baso. Lumapit siya sakin at binanlawan 'yung mga baso. Hinayaan ko na lang siyang gawin 'yun. Nakakatulong eh, alangan namang sayangin ko pa.

"Henz." pagkasabi ko nun sinamaan ko siya ng tingin. Henz!? Seriously? Ipagpilitan talagang katunog ng pangalan niya.

"Kung 'yan itatawag mo sakin. Baka 'yung platong hinuhugasan ko 'yung magpadagdag ng sugat mo." inis na sabi ko habang tuloy sa pagsasabo ng ng plato.

"Ehh ayaw mo naman kasi akong kausapin eh. May sasabihin pa man din ako." nasa tono niya na malungkot siya kaya napalingon ako sa kaniya. And eeewww.. gross.. he's pouting.

"Ano ba 'yun ha?" kunot-noong tanong ko.

"Gusto ko sanang maglinis ng bahay mo. Pwede naman siguro akong mangialam dito 'di ba? Tutal naman dito rin ako nakatira. Ang alikabok na kasi nung mga gamit eh tapos ang dumi ng sahig."

14 daysWhere stories live. Discover now