10th Day

416 18 1
                                    

HENNESSY COLINDRES' POINT OF VIEW

"Kanino mo naman nanakaw 'yang gitarang 'yan?" tanong ko sa kaniya pagkalabas ko agad ng bahay.

Nandito kami sa may likod-bahay. As usual nagising akong wala na si Heinz sa tabi ko. Ako kasi yung nagpakapagod mag-basketball kahapon kaya huli ako nagising /sarcasm/. Pagkakain ko lumabas ako dito sa likod ng bahay nung may marinig akong kumakanta. At nakita ko nga siyang nakaupo sa mahabang upuan dito at may tinotonong gitara.

"Kay mang Adolfo 'to, dinala niya lang dito sa bahay kanina."

Lumapit ako sa kaniya at tumabi.

"Pumunta si mang Adolfo dito?" tanong ko habang binubuksan yung chips na dala ko.

"Oo, sinilip ka oa nga niya eh. Ang sarap daw ng tulog mo, tulo-laway ka pa nga-- Ah! Ah! Ah! Joke lang Henz! Kailangan ko 'yang tenga ko, aray!"

Binitiwan ko 'yung kaliwang tenga niya at nakita ko 'yung pamumula nun. Aba kasalanan niya 'yan! Kung anu-ano na namang sinasabi niyang kaungasan. Ka-aga-aga eh binubwisit niya ko. Tinuloy ko na lang 'yung pagkain ko ng chips na hawak ko at siya naman tinuloy yung pagtono sa gitara.

"Marunong ka ba niyan?" tanong ko.

"Ah yung totoo? Hindi hahahaha." natatawang sabi niya. Halos maibuga ko yung nginunguya ko dahil sa sinagot niya.

"Eh bakit hiniram mo pa 'yan? Nagmamarunong ka lang pala?" naiiritang tanong ko.

"Hahaha wala akong sinabing hiniram ko 'to ah, ang sabi ko dinala ni mang Adolfo." natatawang sabi niya.

"Bakit ikaw marunong ka ba?" napabusangot ako sa tanong niya. Dati kasi nagpapatutor ako every week maggitara nung highschool ako. Ang kaso tinamad na ko agad tiyaka rumami na yung ginagawa ko ngayon kaya hindi na ko natuto.

"Hindi." malungkot na sagot ko.

"Hindi rin naman pala eh haha kwits lang tayo."

"Magtigil ka nga!"

"Oo nga pala masakit ba yung puson mo ngayon?" tanong niya sakin.

"Sinabi ngang hindi tagos yung nakita mo nun eh!" sigaw ko sa kaniya. Yung pula sa jogging pants na nakita ni Heinz kahapon, pulang bubble gum lang pala yun na nadikit.

Nakakahiya kasi hanggang sa pag-uwi halos nakadikit siya sa likod ko. Pagkarating ko sa bahay tiningnan ko pero wala naman -.- tapos may gum akong nakita sa jogging pants ko. Bumili pa nga si Heinz ng napkin pagkapasok ko sa CR eh.

"Hahaha eh mukha kasing ganun talaga eh."

"Manahimik ka na lang kung wala kang matinong sasabihin--"

"Oh! Gagamba!"

"Aaaaaahhhhh!! Alisin mo! Alisin mo!!" napakapit agad ako sa braso ni Heinz habang tumitili.

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"ARRRGGGHH! HEINZ!" sinakal ko na siya agad sa inis para di na siya makapagsalita.

"He-henz j-joke lang naman oh." agaw hiningang sabi niya habang nagpupumiglas sa pakakasakal ko.

"Tutuluyan na kitang ungas ka!" sigaw ko sa kaniya.

Hinigpitan ko pa yung pagkakasakal ko sa kaniya kaya halos magpakita na yung dila niya sakin.

"Oh ano yan? Nag-aaway na naman kayong dalawa?" napatingin kami bigla sa nagsalita at nakita ko si mang Adolfo na may dalang plastik. Napabitaw agad ako sa pagkakahawak kay Heinz.

14 daysWhere stories live. Discover now