Wattpad Original
There are 7 more free parts

Chapter 3

21.3K 673 79
                                    

'Who are they?'

XIN

Naguguluhan kong tiningnan si Hoshi habang pinaglalaruan niya ang susi ng dorm ko. Tiningnan ko naman si Matthew na nasa likuran ko lang. Nahuli niyang nakatingin ako sa kanya kaya nginitian niya ako.

"Gotta keep you calm," nakangiti niyang sabi sa akin. Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya pero binalik ko na lang ang tingin kay Hoshi pero bigla siyang huminto at naiwasan ko naman siya kaagad.

"Buti naman hindi mo ako nabunggo," kinakabahan niyang sambit na mas lalong ikinakunot ng noo ko.

Tiningnan ko ang daliri niyang pinaglalaruan ang susi ko kanina at nakita kong wala na ang susi ko rito. Sinuri ko ang katawan niya at wala akong susing nahanap.

"Where's my key?" tanong ko sa kanya. Alam kong galit na ako sa puntong 'to pero wala man lang akong ginagawa kay Hoshi.

"Hehe... Nahulog do'n, oh." Ngumuso siya sa ang isang manhole. I closed my eyes and sighed out of frustration. I was more frustrated by the fact that I'm not even doing anything to him even though I'm mad as hell.

"Don't worry. Hoshi's got a lotta spare keys do'n sa dorm." nakangiting lumapit sa akin si Duke sa sinubukan pa akong akbayan pero umatras lang ang kamay niya nang tiningnan ko siya kaya kay Hoshi na lang siya umakbay.

Nag-peace sign lang si Hoshi sa akin at nginitian ako. Napailing na lang ako sa mga nangyayari at tumalikod na lang sa kanila. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad at napahinto ako nang nakarating kami sa guard house.

Wolfie, Walter, Jayden, Seth, Joshua, Baxter and Vernon were already loading my luggage to a van. Tinapik lang ni Matthew ang balikat ko at giniya ako papasok sa van.

"Time to see the dorm," mahinahon niyang sambit at binuksan ang pinto ng shotgun seat. Umakyat na ako at umikot naman siya at umupo sa driver's seat.

Biglang dumugaw ang ulo ni Hoshi sa gitna ng mga upuan namin. "Ang cute ng kwarto mo," nakangiti niyang sabi sa akin. Ewan ko pero sa tuwing ngumingiti 'tong lalaking 'to ay nahahawa ako. Para kasi siyang siopao na may mukha.

Nagsimula nang magmaneho si Matthew kaya bumalik na si Hoshi sa upuan niya at tiningnan ko na lang ang gloves na suot ko.

I wonder why my behavior suddenly changed noong dumating ako rito. I smiled. I wasn't too mad to kill everyone. I was talking to them. I was curious. I was forgiving. And most of all, I was calm. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari at naguguluhan ako.

It's like me, but it wasn't me—that feeling.

"Aray! Ano ba?! Mabango naman ako ah!" Narinig ko ang sigaw ni Wolfie mula sa likod ng van at naamoy ko ang pabangong inispray ni Milo sa kanya. Natawa lang sina Seth at Jayden sa kanya.

Remembering their names was easy because I also remember the names of those that I've killed, and to think there's hundreds and thousands of them.

"Stop thinking about nasty things. It makes me puke." Tiningnan nilang lahat si Jun na biglang nagsalita. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Bigla silang tumingin sa akin kaya tumaas ang kilay ko. What?

"She didn't mean to," biglang sambit ni Matthew habang nagmamaneho. Pinaningkitan ko rin siya. I'm the only girl here kaya talagang ako ang pinag-uusapan nila. Tiningnan ko ang titig sa akin ni Jun at do'n ko nakita ang galit niya.

What did I do? Tumingin ako kay Milo na nakatingin lang din sa akin.

"Then stop making her think about it," huling sambit ni Jun at pinikit na ang mga mata.

Sinister ThirteenWhere stories live. Discover now