Let's be Friends

692 12 11
                                    

Update again! :)

***

Lancy's POV

"What do you want to eat? My treat!" tanong ni Seth habang nakapila kami. Hindi naman gaano kataas ang linya so mas better! :>

Pero ano daw? e-te-treat niya ko? Cool! I love LIBRE! lalo na pag food!

"Really??" Masaya kong sabi at parang nag-twinkle ang mata ko.

Nag-nod siya habang nakatitig sakin and I don't know if nag-gulp ba siya.

"Y-yeah.."

Nagtalon-talon naman ako, "Yay! Okay! I want burger! Fries! And sundae!" sabi ko habang binilang bilang ang kamay ko para bilangin kung ilan ang sinabi ko.

Nag-nod ulit siya, "Okay. I'll buy the food and you'll find a seat."
Mabilis akong tumango habang nakangiti at umalis sa tabi niya upang humanap ng bakanteng table.

And perfect! There's a seat available by the window. Kitang-kita ang green fields ng school.

Umupo nako habang hinihintay si Seth at ang foods! Gutom na talaga ako. Then realization hit me..

Napa-face palm ako. Wala ka talagang hiya Lancy! Basta talaga pagkain ang pag-uusapan, hindi kana nahiya kay Seth.

"Lancy.." dinig kong bulong ni Seth.

Napatingala ako sa kanya at napaiwas ng tingin dahil sa kahihiyan. Dala-dala niya ang foods in one hand lang. Inilagay niya isa-isa ang foods sa table at mas lalo pakong nahiya dahil hindi ko siya tinulungan.

Lupa kainin mo nalang ako! Hiyang-hiya nako!

Nakayuko lang ako nang biglang magtanong si Seth.

"Lancy? Are you okay?"

"Huh? Wala." sagot ko at nakayuko parin.

Then napaigtad ako nang hinawakan niya ang chin ko, masyadong touching! "Lancy, I can't understand you."

Nawala lahat ng hiya ko dahil natawa ako ng malakas sa sinabi niya. I know, I know, hindi nakakatawa pero yung expression talaga niya eh. Problemadong problemado.

Nakatingin nako sa kanya ngayon habang nakangiti ng malapad at kinagatan ang burger ko.

"You should learn the Filipino language." suhestiyon ko at tumango-tango pa siya.

Then every second parang may gusto siyang sabihin tapos babalik ulit sa kinakain niya, paulit-ulit niya lang yun na ginagawa hanggang sa tapos na ang 45-minute break.

Habang naglalakad kami, ganun parin siya, parang may gustong sabihin pero hindi masabi. Tapos para pa siyang nakipag-usap sa sarili niya at susuntukin ang sarili any time soon.

Baliw na siguro ang isang toh.

"Seth are you okay? By the way, thank you so much for the treat! I owe you one! I'm sorry for being so shameless." sabi ko to start a conversation.

Napahimas naman siya sa batok niya, "No. it's nothing. It's not a big deal. I love treating my friends." pahayag pa niya.

Friends? "You have more friends?"

Tumango siya in response and I can't help but smile. Akala ko talaga, introverted siya. Ang tahimik masyado.

May sasabihin sana ako nang magsalita siya, "Lancy.. can I ask a favor? Pretty please?" With matching beautiful eyes pa. Eh? Isip-bata masyado.

Ang Ex Kong Artista ||DISCONTINUEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon