SITUATION

728 24 6
                                    

***

Situation

****

Lancy's POV

"Ate gising na..." naramdaman kong may tumatapik sa gilid ko.

"Ang hirap namang gisingin ni Ate, tulog mantika." narinig kong may nagsalita.

May yumugyog naman sa balikat ko dahilan para magising ako.

"Hmm?"

Nagsalita naman ang kapatid ko, "Ate! Gising kana! Hali kana! Labas na tayo." aya niya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan.

Napatingin naman ako sa bintana ng sasakyan, "Airport?" tanong ko habang nakatingin sa malaking karatula.

"Yep." sagot ng kapatid ko.

"Saan tayo pupunta, Lana?" tanong ko sa kanya na hanggang ngayon hindi parin nabubuksan ang pinto ng sasakyan.

"You'll see...~" pasekre-sekreto niyang sagot at nabukas ang pinto ng sasakyan at naiwan ako sa loob.

Wah! Nalocked-in ako! Lana! Palabasin mo ako!

Hindi pa kasi ako nakasakay ng kotse e.

Wala nalang akong magawa kundi hintayin sila.

Naalala ko tuloy si Ella, sana hindi siya magagalit sakin. Hindi ako naka pag paalam ng maayos​ sa kanya. Nangako panaman ako sa kanya na isasama ko siya, balang araw.

Sana hindi niya ko kamuhian.

*Knock* *knock*

Napatingin ako sa kumatok ng bintana, si Mama pala. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinalabas ako habang may lalakeng parang may edad na ang kumuha ng bagahe sa likod.

"Tara na, anak..." Yaya ni mama.

"Ma? Saan po tayo pupunta?" Tanong ko ulit.

"Sorpresa." Sekreto nanaman.

***

Wow! Private plane!

Ano bang trabaho ni Mama at may pa private plane, private plane pa?

Ang ganda dito sa loob! Ang hirap e-explain.

Pero sana, kasama ko si Ella. Ayokong sirain ang aking pangako.

"Mama, ayoko pong umalis.." Sabi ko Kay Mama na nakaupo sa tabi ko.

Napatingin si Mama sakin, "Kailangan anak. Pangako, babalik tayo sa bansang ito..."

Natulala ako sa anunsiyo ni Mama, "Po? Pupunta tayo ng ibang bansa?" gulat na gulat kong tanong.

Napatango si Mama, "Oo, anak, doon ang trabaho ko."

Napaiyak naman ako ng mahina, "Pero, ma! Ayoko pong iwan sila Ella at Tito! Mama! Ayokong umalis!" tumayo ako at umaktong pupunta sa pinto ng eroplano nang magsalita si Mama.

"Anak, patawarin mo ko. Ayoko ulit mahiwalay sayo. Anak, ayaw kong iwan ulit kita, kagaya nang pag iwan ko sayo noon. Pangako, babalikan natin si Ella, balang araw." Pagmamakaawa ni Mama na umiiyak na ngayon.

Hindi ko rin namalayan na umiiyak narin pala ako. Lumapit ako Kay Mama at niyakap siya, "Mama..."

"Sasama na po ako." Sabi ko at humiwalay sa pagyakap sa kanya.

"Salamat anak." Sagot ni mama.

Naiintindihan ko ang sitwasyon ng buhay ko ngayon, sana maintindihan rin nina Ella at Tito.

Pangako, babalik ako balang araw.


-----

Ella's POV

"Papa..!" umiiyak kong tawag kay Papa.

Nilapitan ko ang malamig na bangkay ni Papa sa sahig.

"Papa... Ba't niyo ko iniwan?" walang tigil kong iyak.

Bakit ba ko iniwan ng dalawang malalapit sakin?

"Lancy, bakit mo ko iniwan ng walang pasabi?..." Naghahalong galit kong sabi.

Bakit Wala ka ngayong kailangan kita? Nandun naman ako nung kailangan mo ko ah!

Akala ko ba, magkaibigan tayo?...

***

Sana po nagustuhan​ niyo.

Don't worry, maybe next week, I'll keep updating since malapit na Christmas break! Yehey!

Also, Happy birthday nga pala kay Kim Seokjin kahapon. Mwah!

#WorldwideHandsomeDay , Yesterday. Lol. Hahahah.

Ang Ex Kong Artista ||DISCONTINUEDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt