Adjusting

575 13 6
                                    

TO MY READERS :

I HOPE YOU DON'T FEEL BAD KASI ANG TAGAL KONG NAG UPDATE. I APOLOGIZE. NASIRA KASI YUNG USUAL GADGET NA GINAGAMIT KO, WHICH IS MY BELOVED TABLET. HUHHHU RIP.

Thank you chimestarr26 for being supportive.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Lancy's POV

Huhuhuh. Wala akong handa na speech ngayon. Ano sasabihin ko sa kanila?

"Umm." Yun lang sana gusto ko sasabihin.

"Hello, I am, uhh- Lancy." binitawan ko ang mic at dali-daling umalis sa entablado. Nakakahiya~!

( A/N: MIC DROP HAHA)

"ATE!" dinig kong tawag ni Lana sa pangalan ko. Wah! baka tatanungin niya ko kung bakit pangalan lang ang sinabi ko.

Nagtago ako sa isang bush para hindi ako makita ni Lana.

"Nakalagpas na kaya siya?~" sumilip ako pero may mukha ang hunarang kaya napasigaw ako't natumba. Nagulat ako nun!

"Hahahahaha!" sinong impakto ang gumawa nun?! babalatan ko siya ng buhay.

"HOY! LABAS!" sigaw ko.

"What did you say?" bigla namang may lumabas na lalake which is pamilyar. Teka! San ko ba siya nakita?

Isip. isip. isip. Ding!

Siya yung nakahanap sa phone ni Lana, yung mataas na lalake. Yung englishero, tas yung nagsabing, see you soon, chuchu~

"Ikaw!" turo ko sa kanya.

"HUH? What are you saying?" sagot niya na hindi ko naintindihan. So? hindi na talaga kami magkaintindihan ngayon? Para kaming sira, nagtatalo kung anong mga sinasabi namin.

Actually alam ko kung ano yung tinatanong niya ayaw ko lang makipag-usap sa kanya kaya nakipag-talo nalang ako.

"Ano ba talagang sinasabi mo? hindi kita maiintindihan." Uwah! ayoko na.

"I don't understand you." english nanaman! Nosebleed nako!

"Hindi--!"

"ATE! THERE YOU ARE!"

Ahhh! Takbo!

"Ate! enough! pagod nako sa kakahanap sayo! May klase pako. tsaka ikaw rin. Late nako ng 30 minutes!"

Napahinto ako sa pagtakbo. Naku! May pasok nga pala ako! First day nga pala ngayon.

"Naku, sorry Lana." linapitan ko siya nang humarang yung lalakeng naka-away ko.

"Are you two blood-related?" tanong niya.

"Yeah." sagot ng kapatid ko.

Hindi ko na alam kung anong idinugtong niya dahil hinila na ko ni Lana palayo.

"Ate bakit ka tumakbo?" Napamewang niyang sagot.

Gusto ko sanang matawa sa tindig niya kaso ang seryoso niya eh.

"Nahihiya ako eh." Yun lang isinagot ko at yumuko.

"Ate don't be shy. Okay lang naman na mautal ka kasi first time mo." sabi niya.

Buti pa yung bata ang taas ng confidence eh ako? Patatas lang ako.

"C'mon! Mukhang ang late na talaga natin." Aya niya habang hinihila nanaman ako.

Ang Ex Kong Artista ||DISCONTINUEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz