GIRL WITH LUV

3.2K 64 26
                                    

WAS "ANG EX KUNG ARTISTA"
_________________________
_________________________

Lancy's POV

Papasok na ngalang ulit tapos late pa.

Pagdaan ko sa corridors pinagtinginan ako ng mga estudyante hindi sa itsura ko kundi dahil sa hindi ko malamang dahilan.

Parang may mangyayaring hindi maganda...

Aish~ guni-guni lang yun.

Tinignan ko ang cellphone ko, Wala paring message galing sa kanya. Kahit tawag niya, Wala.

Mga isang buwan na ang nakalipas nung nakausap ko siya Hindi rin kami nag-away. Pero wala paring single message na may nakalagay na pangalan niya. Ano kayang nangyari?!

Tumayo ako sa pinto at nilapitan ang teacher namin at nakipag-usap kung bakit late ako ng dating tapos tinignan niya ako ng may halong awa.

Anong Meron? Napatingin ako sa kaklase ko at sila ay may halong awa din sa mukha maliban kay Courtney.

Bakit ganito Sila kung makatingin?

Umupo nalang ako sa upuan ko katabi ni Ella, my best friend. Nakatingin din siya sa akin at bumaling ng tingin sa teacher para mag concentrate.

Ano bang nangyayari????

Kinalabit ko siya... Napatingin din siya sakin.

Ngumiti ako, "Anong meron?" tanong ko.

Halatang nagulat siya, "Wag ka ngang umacting Lancy...Alam kung nasasaktan ka. Tinatago mo lang." hala! Bakit sumisigaw toh.

Nagulat din ako sa sinabi niya, "Anong umacting ang pinagsasabi mo? Hindi ako katulad ng boyfriend ko noh." natawa pa ko ng kunti pero siya hindi kumibo sa upuan niya.

"Hindi mo alam?"

"Ha? Ano--"

*KRING! KRING! KRING!*

Recess na.

"Hoy, Ella bakit ba kasi?!" pangungulit ko at tinignan ang cellphone kung keypad kung meron na bang message galing sa kanya.

Bigla naman siyang nagsalita, "Wag ka ng maghintay sa reply o tawag niya, Lancy. Mapapagod ka lang."

Akala ko nagbibiro lang siya pero ang seryoso ng mukha ng best friend ko.

Umupo kami sa vacant seat sa canteen habang kumakain.

Bigla namang dumating si Courtney papalapit sa amin. Ano nanaman to?

"Hi uglies!" sigaw niya. Kasama ang mga iba pa niyang echoserang palaka.

Nagtaas ng kilay si Ella.

"Relax, Ella...Hindi Ikaw ang pinunta namin kundi her." sabay taray point sa akin.

Ako nanaman ang nagtaas ng kilay.

Tumawa naman siya ng parang palaka,"Pareha talaga kayo ng ugali, mag best friends nga naman. Tsk!" maypa-lingon lingon pa.

"Diretsuhin mo nalang ako, Courtney." sigaw ko.

Humarap naman siya sakin at sinabing, "Can't you freaking wait? Oh so, do you want na diretsuhin ko? okay! Excited much. Well, kailangan talaga kasi you like surprises naman diba...Anyways! Here..."

Inabot niya sa akin ang phone niyang nakatalo sa keypad ko. Touch screen! First time kung makahawak nito. ARGHHHH!

"First time?" tanong niya na halatang hindi nagulat.

Hindi ko nalang siya pinansin at hindi alam kung saan at paano e-on toh.

Kinuha niya ang phone at nagsalita.

"Gosh! First time nga. Kawawa. Hindi binilhan ni Boyfie ng phone o baka binigay sa ibang tao na nakakahadlang sayo. Ang panget mo kasi tapos dukha pa... Hahahaahaha....Eto on na!"

Binigay niya ulit sa akin ang phone at napatingin naman ako kay Ella, liningon lingon niya ang ulo niya.

Ha?

"Go on..." pagpupumilit ni Courtney na i-tap ko ang app na Videos.

"Courtney, stop it!" sigaw ni Ella at tumayo sabay kuha ng phone pero nakuha ko agad.

Nagulat naman siya sa ginawa ko, "Fine! Gusto mo malaman kung anong video Yan, i-play mo na!" galit niyang sabi.

"Bakit ka galit, Ella?" masayang tanong ni Courtney.

Tinaasan naman ulit ni Ella ang kilay niya sa kanan at hindi na umimik pa.

"Play it." makautos na man to ouh.

Kinlick ko ang play button.

Isang programa ang ipinakita, The Gossip Gimik. Hosted by : Jonavi Dizon. Artistang bakla na hilig mangintriga. Chismosa!

Araw-araw may guest siya, kagaya lang ng video ngayon, may dalawa siyang bisita at isa dun ang boyfriend ko, si Miko Denver Tyson. Kasama niya ang babaeng pamilyar na pamilyar, ah! Siya si Kristylle Nelson. Yung leading lady niya sa The Angel's Prince. Yung movie 2 months ago na nirelease. Directed by Jobert Yap. Sikat na director yan.

Sa panunuod ko biglang nagtanong si Jonavi, "Last week, may nakakita sa inyo sa bus na nakatulog. Ang ulo ni Miko nasa balikat ni Kristylle and ang ulo ni Kristylle nakapatong sa ulo ni Miko. People inside the bus thought na in a relationship kayo, totoo ba?"

Nag-flash sa screen ang picture na sinabi ni Jonavi at resulta iyon ng paghati ng puso ko sa dalawa.

Akala ko tatanggi si Miko ngunit inakbayan niya si Kristylle at ngumiti ng malawak, "Oo, kami na."

Napanganga ako sa sagot niya. Humiyaw naman ang mga tao ng, Yes!...., Bagay kayo......, Totoo nga!

"Yes, official!" anunsiyo pa ni Kristylle.

Hinalikan naman siya sa pisngi ni Miko.

It ended.

Naramdaman ko nalang na tumulo na ang luha ko.

"I told you so. Nakinig ka ba?!" Komentaryo ni Ella at nag cross-arms.

"She has a right to know, Ella. Siya ang girlfriend eh! Ay EX pala...Hahahaha!" Umalis agad si Courtney.

Umiyak lang ako ng umiyak. Bakit?!!!!

Hindi na ba niya ko gusto? Dahil ba Hindi ako Popular, maganda, mayaman o sexy na marunong manamit ng maayos?

Kalokohan!

Mapaglaro ka, manloloko!

Pagbabayaran niya to!

Pagbabayaran niyo to!

Simula sa araw na to mawawala na ang dating Lancy!

New Lancy na ang makikita niyo ngayon.

_________________________

Ang Ex Kong Artista ||DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now