Katotohanan o Kasinungalingan

518 11 3
                                    

Hello!

I'll try to keep on updating kahit walang laman utak ko. Haha. :)

***

Ella's POV

Narinig kong tumunog ang bell at ibig sabihin ay uwian na at kanina pako nakaupo dito.

Na-miss ko ang 2 hours ng Science period kaya sigurado akong ang dami kong dapat
e-catch up dahil twice a week lang namin mame-meet ang teacher. But I don't care. I feel so empty.

Kinuha ko ang bag ko sa classroom at hindi pinapansin ang titig ng mga kaklase ko.

Pumunta muna ako sa canteen upang bumili ng merienda at napansin kong nandun si Courtney kasama ang mga alipores niya. Nakiupo ako sa kanila matapos kong bumili ng pagkain. Ayokong mag-mukhang matamlay dahil sa nangyari kanina.

Para namang na-shock ang isang alipores at maarteng napatakip ng bibig niya, "Oh my gosh! Ikaw pala, Ella. Kanina ka pa namin topic."

Hinampas naman siya ng katabing alipores, "Shut up nga! Ayaw nating malaman ni Ella ang totoo." bumulong pa ito kahit dinig na dinig ko.

"Sush! Girls!" sita ni Courtney sa kanila.

I frowned, "Malaman ang alin?"
Nagkatinginan naman ang dalawang alipores at tumingin kay Courtney tsaka sakin tapos umiwas ng tingin.

"Uhh-- w-we n-need to.. go! May p-party pa kaming pupuntahan. See you there, Courtney!" Tumayo sila at nag-unahang umalis palayo.

Napatingin ako kay Courtney na parang wala lang at nagpatuloy sa pag-kain ng burger niya.

Huminga ako ng malalim, "Courtney? What are they talking about?"

She looked at me at nag-snob, "It's nothing. Just don't mind them. Sama ka sa party mamaya ah!"

She's changing the topic and she's lying.

I sighed. Ayaw ko munang malaman kung ano mang katotohanan ang sinasabi nila.

Tumango ako, "Sure, what time?"

Ngumiti siya at ininom ang orange juice niya tsaka siya sumagot, "Around 7pm. Sa bahay ni Diana, alam mo naman siguro saan yun, diba?"

"Yeah." sagot ko at nagpatuloy sa pag-kain.

Si Diana ang kaklase naming mayaman at palaging nag paparty o pumupunta sa party. Yeah party goer yun eh. Only child din.

Tumayo si Courtney at inaya akong mag-mall daw kami. Well ayokong tumaggi kaya sumama ako.

Malapit lang naman ang mall dito. 15-minute walk lang pero sadyang OA talaga tong si Courtney at sinabing sasakay daw talaga kami ng taxi.

Eh. Wala akong pera. So sinabi kong siya lang ang mag-taxi pero hinila niya ang braso ko at sinabing libre niya daw.

Ang fifteen-minute walk naging 5 minute drive nalang. Ang lapit lapit lang naman eh.

"So Courtney? Bakit ka ba pabigla-biglang nakipag-kaibigan sakin? Bakit ka nakipag-close nalang bigla?" di ko maiwasang itanong nang makapasok na kami sa mall.

Napansin ko namang nabigla siya at napa-urong saglit sa paglalakad.

"H-huh? D-dapat bang itanong yan? Siyempre dahil pinsan kita. Why?" sagot niya.

Well, my point naman ang sagot niya kaya nagkibit-balikat lang ako.

It's still 4:30 in the afternoon kaya naisipan nalang naming bumili ng damit para sa party.
Hinila lang ako ni Courtney kahit saan at nakakahilo na talaga.

Ang Ex Kong Artista ||DISCONTINUEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon