'Una, Pangalawa, Pangatlo' -TAGALOG

1K 11 0
                                    

Noong una tayong nagkita
Lumapit ka saakin at nagpakilala

Sa unang pagkikita na iyon
Tumalikod ka at ako ay lumigon

Nakita ko kung paano ka ngumiti
Sa babae na para bang nawiwili

Iwinaksi ang nakita
Humarap saakin na para bang walang sala

Sabagay wala naman talaga
Ano nga ba ang halaga?

Pangalawa ika'y nangako
Sabi mo'y di ito mapapako

Ano ba ang tingin mo dito?
Isa lamang na laro?

Pangatlo ika'y nahuli
Sumbat saakin ako pa ba ang mali?

Sana pala
Sa una

Sinabi mo na hindi ako ang iyong gusto
Sana, ako ay lumayo.

-Guia

Untouched FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon