'MAHAL KITA' -TAGALOG

1.2K 7 0
                                    

Sapat na ba ang mga katagang mahal kita ?
Kung bibigyan ka nang pagkakataon paasahin mo lang ba?

Seseryosihin mo kaya ang bawat letrang sinabi?
O ang gusto mo lamang ay angkinin ang mga labi?

Pag saaking bibig lumabas ang mga kataga
Mangangako akong magtitiwala sayong mga salita

Pero kung kapusukan ang iyong uunahin sinta
Patawad ngunit ang kailangan ko'y tiwala, pagmamahal, at suporta

Kung iyong patutunayan na ako'y mahal talaga
Tatanggapin ang paghingi nang tawad at tayo'y magiging masaya

Kabataan ang pag-asa di mo ba naaalala?
Kataga nang bayani na tayo ang mag-aangat sa ekinomiya

Pagamamahal ay di lamang dapat sa salita
Respeto, tiwala, at pagmamahal yun ang binubuo nang mahal kita

Liban pa doon merong pang ibang kahulugan
Pagmamahal sa pamilya, kaibigan, hindi lamang sa sinisinta

Dapat mong tandaan ang ibigsabihin nang mahal kita
Di lamang eto sa pag angkin lang labi nang isa't-isa

Kabataan dapat nating pakatandaan ibigsabihin nang mahal kita'y
Sagrado na dapat nirerespeto at pinapakita sa tamang paraan. . .

-Guia

Untouched FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon