'Tayo'y Pantay Pantay' -TAGALOG

5.6K 47 0
                                    

Sadyang walang tuwid sa lupang daigdig

Kahit kasiyahan, Pati na pag-ibig
Ang masalubong ay tingnan ng matuwid
Upang yong malaman kung ano ang hatid.

Paligid kay gulo, At sama ng mundo
Dapat na palagi'y ituon ang wisyo
Ilibot ang paningin, maging alerto
Upang maiwasang ikaw ay maloko.

Iba't-Ibang anyo iisang pinagmulan
Ang isa't-isa'y babangon, at lalaban
Anuman yong kulay, saan man' nagmula
Ako, ikaw, sya, tayo'y makakaisa.

Mahirap, Mayaman, Matalino't, Mangmang
Magkakaiba man ang pinanggalingan
Tayo'y pare-pareho sa puso't isipan
At sa poong may kapal na siyang may lalang.

Untouched FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon