'Maskara' -TAGALOG

1.4K 11 0
                                    

Maskara nang aking mukha
Hindi dapat tanggalin ako'y isa lamang hamak na dukha
Ako'y malugod na ngingiti
Ikaw na ang bahalang manghusga kung totoo o may mali

Tama ba ang aking ginagawa?
Tatanggapin ba ang aking pagkatao nang hindi dahil sa awa?
Kaya mo bang harapin ang madla
Kahit ang totoong pagkatao ay malayo sa nakikita

Matatanggap kaya ang aking itsura?
Huhusgahan o tatanggapin nang may ngiti sa mukha?
Sana sa araw na tanggalin ang aking maskara
Makita ang tunay na ligaya tuwing kasama kita.

-Guia

Untouched FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon