'Kaibigan' -TAGALOG

2.2K 21 0
                                    

Hanapin, kutyain
Ang tulad ko't hamak-hamakin
Pagkaisahan, sigaw-sigawan
Guluhin aking katahimikan.

Ngayo'y ika'y nahuli
Tiningnan ka nang mabuti
Ako'y iyong sinisi
Di ko alam yong sinasabi.

Ngunit nang iyong nalaman tunay kong pinagmulan
Lumapit, nakipagkaibigan
Diba't hindi patas iyan?
Sapagkat pagkakaibiga'y hindi masusukat sa antas mo sa lipunan.

-Guia

Untouched FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon