Beginning

23.7K 224 10
                                    

'Simula'

Hindi malaman kung bakit nagsimula

Sadya lang yata akong makata?

Nagsimula sa pagsusulat
Una'y di mawari ang pamagat

Nung una ako'y naghanap
Kalaunan akin itong nakalap

Nang nagtagal ako'y nag-alala
Iniisip kailangan pa ba?

Kung isulat ko'y sino naman ang magbabasa?
Sa isip isip siguro, siguro wala

Nung naglaon napamahal
Kahit siguro magsulat nalang nang walang sumusuporta't nagmamahal

Siguro! Siguro eto'y manatili at magtagal

Ang mga letrang isinulat sa gusot na papel at itim na pluma

Oo ito'y gusot at luma, oo ito'y maaring mabura
Ngunit tatatak ito sa puso nang isang tulad kong manunulat
Na hangad lang ay ang mailahad at ipamahagi ang damdaming hindi ko maiulat

Para sa karamihan eto'y isang simpleng mga sulat
ngunit saki'y eto'y nagisimbolo nang bagong destinasyon

Salamat sainyo't, sainyong panahon

Kasama kayo tayo'y bubuo nang ating pundasyon

At sana nga sila, sila ang bubuo nang isang storya

Salamat nga pala sa pagmamahal at pagsuporta

Ako'y inyong napapasaya
Tama kasama ka!
Salamat sa iyong pagbabasa nang aking libro nang mga tula.

Untouched FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon