[ 57 ] What Happened?

Začít od začátku
                                    

"Where do you think you're going?!" tanong ni Miranda.

Iiwasan niya lang sana ito pero agad siya nitong tinulak at dahil sa hindi pa siya ganoon kalakas at hindi niya inaasahan ang gagawin nito ay napaupo siya.

"Ano na naman ba'ng kailangan niyo sa'kin? Tigilan niyo na nga ako," naiinis na sabi niya.

"May tanong lang naman kami sa'yo, eh. You don't have to avoid us. Sasagot ka lang naman. Tell us who saved you!" sabi ni Chloe.

"We just can't believe kung paano ka nakaalis doon. Akala kasi namin patay ka na. Kaya pala wala kaming natatanggap na invitation sa libing mo, eh. Si Kim ba ang tumulong sa'yo? Tell us the truth!" tanong ni Ashley.

Pinilit niyang tumayo at tatakasan niya na naman sana ang mga ito pero hinila ng mga ito ang buhok niya at muling tinulak. Sa ngayon, mas malakas na ang pagkakatulak sa kanya na muntikan ng masubsob ang mukha niya sa sahig.

"Kinakausap ka pa namin! H'wag kang bastos!" sigaw ni Britney.

"Oh my gosh! Z-ZAC.." sambit ni Miranda.

"ZAC, s-sorry. H-hindi ko sinasadya na matulak siya. Tinapik ko lang naman p-pero—" pagdadahilan ni Britney.

"Mag-usap tayo sa ibang lugar, h'wag dito kung ayaw mong mapahiya," mariing sabi ni ZAC.

"Baka naman pwede niyo 'tong pag-usapan dito. Wala naman siyang—" pagtatanggol ni Chloe sa kaibigan pero agad na pinutol ni ZAC ang sasabihin niya.

"Gusto mo rin ba na madamay?" nakangiting tanong ni ZAC kay Chloe.

"Iwanan niyo na dito ang kaibigan niyo kung ayaw niyo ng madamay pa. Bilis!" abiso ni Kurt sa mga babae na agad na naging dahilan para magsitakbuhan ang mga ito.

"Ikaw, follow me," sabi ni ZAC kay Britney. "And you, Steffi. Umuwi ka na."

Iniwan na rin sila doon ni ZAC at Britney. Agad naman siyang inalalayan ni Kurt para makatayo at naglakad sila papunta sa isang upuan.

"What happened to you? Ba't hindi ka makatayo agad?" tanong ni Kurt sa kanya.

"Naaksidente ako nung nakaraan kaya ganito," tipid niyang sagot.

"Hindi ka pa nagpa-check-up ano?"

"Nagpa-check na kaya ako!" depensa niya.

"You're lying. Alam ko na ayaw mong pumunta sa ospital kaya imposible na pumunta ka doon para magpa-check especially if kaya mo pa ang katawan mo."

"Okay lang ako. Um, Kurt. I want to ask you something about ZAC. Bakit siya nagkakagano'n ngayon? Bumalik siya sa dati niyang ugali. Hindi niya ako kinakausap at parang iniiwasan niya na rin ako."

"He never changed, Steffi. He is the same ZAC we know. Pinakita niya lang talaga sa'yo na nagbago siya pero kapag wala ka na, ganyan siya. Sige, kailangan ko ng umalis."

Iniwan na siya doon ni Kurt kaya naman naglakad na rin siya paalis sa school. Sobrang daming tanong ang gumugulo sa isipan niya ng mga oras na iyon. Ngayon, kailangan na niyang tawagan si Jico dahil kapag wala ng ibang pwedeng sumagot sa tanong niya, malamang si Jico ang makakasagot noon. Lagi naman kasing may naisasagot si Jico sa tanong niya. Pinapunta naman siya nito sa condominium unit niya at doon sila nagkita para mag-usap.

"I'm not expecting your call. May kailangan na ba akong dispatsahin at nakipagkita ka sa'kin? As far as I'm concerned, we have nothing to talk about. Mukhang importante 'to, ah?"

"Dispatsahin? Papatay ka? Wala kang kailangang dispatsahin, Jico. May kailangan lang akong itanong sa 'yo and since you're the great Jico Choi kagaya ng sabi mo, umaasa ako na masasagot mo ang tanong ko sa'yo."

"Try me."

"Iniiwasan ako ni ZAC. Nag-iba na rin ang ugali niya. Sa tingin mo bakit siya nagkagano'n?"

"Since he knows about your heart problem, posibleng alam niya na rin ang tungkol sa paghihiganti mo sa pamilya niya or to his father to be exact."

"Pwede ba matinong sagot ang ibigay mo sa'kin?"

"Matinong sagot 'yan, Steffi."

Kinabahan siya bigla. Katapusan na niya kapag nangyari 'yon lalo na at imbis ang tatay nito, si ZAC ang plano niyang paghigantihan.

"Sigurado ka na matinong sagot 'yon? Bakit kalmado ka?"

"Nothing will change kahit magpanic ako kung alam niya na. Isa pa, ang malalaman niya lang, ikaw lang 'yon at hindi ako kasali doon. Alam mo, kung ayaw mong maniwala sa sagot ko then don't. Sinasabi ko lang naman sa'yo ang posibleng sagot sa tanong mo dahil hindi ko rin alam ba't siya gano'n sa'yo. Ang masasabi ko lang, you have to do something."

"Eh kung sakaling alam niya na, ano'ng gagawin ko? Ano na lang ang mangyayari sa'kin 'pag nagkataon?"

"I wouldn't know unless mangyari na. We can't predict how things will happen at depende din 'yon sa pag-iisip niya which I cannot control anymore. If you'll have to go somewhere far, h'wag kang mag-alala dahil tutulungan kita. I will do my best para malusutan ang kalokohan na pinlano mo."

"Grabe ka naman! Parang ako lang ang nagpaplano dito, ah? So kung umiiwas siya, what am I supposed to do now?"

"Birthday ng mokong na 'yon bukas. Surprise him!"

"Paano ko gagawin 'yon?"

"Pati ba naman 'yan, sa'kin mo pa iaasa? You should go home. Ang dami mong tanong," naaasar na sagot ni Jico.

"Akala ko ba tutulungan mo 'ko? Ba't ngayon nang-iiwan ka?"

"I said I'll help you and I still do pero hindi mo pwedeng i-asa sa'kin ang lahat, Steffi. Matuto kang kumilos at magdesisyon para sa sarili mo. You started this without me so you should know how to end this and how are you going to execute your plans."

"Wow, english!" pang-aasar niya. "Fine, ako na ang bahala bukas. I will do my best to make his birthday memorable for him."

An Orphan's First Love: Love or Revenge Kde žijí příběhy. Začni objevovat