❄ TPF 9 ( Part 2 ) ❄

76 34 3
                                    

A/N : I edited this chapter :)

******

Aya's Pov

"Quiet guys!!Pano sya magpapakilala kung maingay kayo?" paki-usap ni Maam.

"Maam kilala na namin sya!"

"Yes Maam!Kilalang kilala!"

Natawa naman si Maam "Sikat sikat ka pala" pabirong sabi ni Maam kay Ken. Tipid lang itong ngumiti "Anyway, magpapakilala pa rin sya para sa iba sa inyo na hindi pa sya kilala. Sge na ijo"

Ngumiti muna sya bago nagsalita "Hi.I'm Ken Jung------"

"KYAHHHHHHH!!!"

Napatakip naman ako sa tenga dahil sa lakas ng tili nila.

"Shhh!Quiet!Isa pang sigaw ay palalabasin ko na." saway ni Maam.

Ng matahimik na ay sumignal si Maam kay Ken "Tuloy mo ijo"

Kung kanina ay nakangiti sya,ngayon ay seryoso na ang mukha nya.

Napakunot ang noo ko at napatitig sa kanyang braso. May suot kasi syang sling at sa pagkakaalam ko ay nagsusuot lamang nito kapag ika'y nabalian.

Napahawak ako sa bibig ko.

OMYGHAD!

DON'T TELL ME...

KUNG BAKIT NYA KO HINAHANAP AY PARA PAGBAYARAN KO ANG NANGYARI SA KANYA?!

"Again I'm Ken Jung" sabi nya habang nililibot ang kanyang tingin na para bang tinitignan kami isa-isa "A half filipino and a half korean. Nice to meet you all---"

Napatigil sya sa pagsasalita ng bigla syang mapatingin sa pwesto ko at...

Magtama ang mga mata namin.

Nanlaki tuloy ang mata ko at napaiwas ng tingin. Napalunok ako bigla sa kaba.

Napapikit ako at nagdasal.

DEAR LORD,

HINDI KO NA PO ALAM GAGAWIN KO.
TULUNGAN NYO PO AKO HUHUHU.AMEN.

"Ijo may problema ba?" narinig kong sabi ni Maam.

"Ah wala po" narinig ko namang sabi ni Ken.

"Ok. So may dadagdag ka pa ba sa iyong introduction?" Maam.

"Wala na po" Ken.

"Then kung ganon, pwede ka ng mamili kung saan ka uupo" narinig kong sabi ni Maam dahilan para mapalingon ako sa kanila.

"Omg!Kanino kaya sya tatabi?"

"Huhuhu!Gusto ko syang katabi!"

"Here Ken!" Margarita.

Hindi naman nya pinansin ang mga pinagsasabi ng mga classmate ko at...

Halos manlaki na naman ang mata ko ng makita ko syang nakatingin sa direksyon ko.

A-anong tinitingin tingin mo dyan?

W-wag mong sabihing...

Maya-maya ay bigla syang ngumisi at nilingon si Maam "Dun po" sabi nya sabay turo sa...

WTF.

SA TABI KO?!

"Sure. You may now take your seat" sabi ni Maam.

Nataranta ako bigla ng magsimula na syang maglakad papunta sa direksyon.

Kinabahan ako bigla at nagtingin tingin sa ibang bakanteng upuan.

❄THE POOR FANGIRL ( Slow Update) ❄Where stories live. Discover now