❄ TPF 4 ❄

118 98 29
                                    

Aya's Pov

"Wait!"

Naglakad ako papunta sa kanya at hinarangan sya. Dun ko lang sya natitigan ng malapitan at dun ko din napansin ang maliit na sugat sa kanyang kaliwang pisngi dala marahil ng disgrasya. Tinignan naman nya ko ng masama.

"Ano na naman ba?!Pwede ba umalis ka sa harap ko!" galit nyang sigaw.

Napalunok naman ako at napaatras.

B-bakit ba sya nagagalit?!Gusto ko lang naman syang kausapin e!Hmp!

"A-ah...a-ano kasi..." nauutal kong sabi.Nakalimutan ko tuloy ang sasabihin ko dahil sa kaba kaya huminga muna ako ng malalim at tinuloy ang gusto kong sabihin "G-gusto ko lang malaman kung-----"

"PWEDE BA?!UMALIS KA NA SA HARAP KO DAHIL SINASAYANG MO LANG ORAS KO!ALIS!" sigaw nya sabay tulak sakin paalis sa harap nya.Muntik pa kong ma out of balance dahil sa ginawa nya.

Napabuga na lang ako sa hangin dala ng inis at pagka dismaya sa ginawa nya. Umakma pa kong susuntukin sya ng talikuran nya ko. Kung pwede ko lang ituloy ay ginawa ko na. Bwisit sya.

Ano bang problema nya?!

Masama bang kausapin sya?!

May mali ba kong sinabi?!

O baka naman tama ang hinala ko.

Na sinisisi nya sakin ang disgrasyang nangyari?

Na kasalanan ko?!

Ha!Siguro nga yan ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan!

Pero hindi lang naman ako ang may kasalanan!Parehas lang kami!Hmp!

I hate him!

Kahit na kamukha nya si Seokjin, wala na kong pakialam!Ayoko na sa kanya!

Hmp!

What a jerk!

Napahinga na lang ako ng malalim.Napakamalas ng araw na to. Na late na nga ako,nadisgrasya pa ko. Ang sakit tuloy ng katawan ko lalo na ang balakang ko. Hindi ko na ata magagawang makapasok ngayong araw. Sa ngayon, kailangan kong umuwi para makapagpahinga at magamot ang sarili ko. May maliliit na sugat di kasi akong natamo kaya kung patatagalin ko pa ay baka maimpeksyon at yun ang iniiwasan ko. Magdadahilan na lang ako kay Nanay kung bakit ang aga kong umuwi.

Nagsimula na kong maglakad pauwi at mas dobleng pagiingat na aking ginawa. Ayoko ng maulit ang pangyayaring iyon. Mabuti na lang at hindi malala ang nangyari kaya maswerte pa rin ako.

Thank God.

*Sayonara no~ Mae ni let go~*

Napahinto ako sa paglalakad ng mapadaan ako sa isang kpop shop.Nakuha kasi nito ang atensyon ko ng patugtugin nila ang Let go by Bts.Hindi ko tuloy maiwasan hindi mapakanta. Sa totoo lang,na lss ako sa kantang ito ng una ko syang mapakinggan hanggang patugtugin ko na araw araw. Ang sarap nya kasi pakinggan.Napaka relaxing.

Hindi ko tuloy hindi maiwasang pumasok sa loob. Parang may humatak sakin papasok dito.Napabuntong hininga ako.

Kung may pera lang ako,

Madalas akong nandito.

Pagkapasok ko, bumungad sakin ang sandamakmak na kpop merch. Halos lahat ng tinitinda ng kpop shop na to ay official kaya karamihan ay mahal.Naka organize din ang tinda nila at kanya kanyang lugar ang bawat fandom kaya madali na hanapin kung saan ka nabibilang. Kaya naman,pumunta ako nararapat at yun ang...

ARMY STATION.

Pagkarating ko sa Army Station ay naabutan ko ang tatlong babae nakatayo sa harap ng BT21 merchandise. Mukha silang mayayaman at gaganda ng kanilang porma. Bigla namang nagsalita yung isa dahilan para marinig ko ang kanilang pag-uusap.Para hindi mahalatang nakikinig ako ay kunwari nagtitingin ako. Baka sabihin pa nila ay chismosa ako.

❄THE POOR FANGIRL ( Slow Update) ❄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon