"I just know, besides dito ako madalas magmuni-muni noong di pa ko lumilipat sa SU at panay lang ang bisita ko sa lugar niyo para silipin ka haha," tatawa-tawa pang aniya habang inaayos ang pagkakasaklay ng bag na dala namin tyaka iminuwestra ang kamay para kunin sa akin si baby.

"Ikaw pa magkakarga? No, ako na madami ka nang dala---

"Nope, ako na please? Gusto ko siyang karga dahil favorite tito niya ko, come here baby dito ka kay tito pogi." Natawa na lang din ako dahil sa sinabi niya tyaka wala na kong nagawa nang tuluyan na niya saking kunin si Gio.

Magdadalawang taon na ang anak ko kaya medyo may kabigatan na din talaga siya. Hays, naalala ko nanaman tuloy iyong thought na wala ako nang magcelebrate siya ng kaniyang first birthday.

Ang sabi sakin ni mommy ay sa Korea dinala si baby Gio after ko siyang maipanganak at kunin ng pamilya nila Vlad, iyon din daw ang dahilan kung bakit kinailangang tumira saglit nila Vlad sa Korea para na rin maitago sa publiko ang apo ng mga Salvador. Well, di ko din naman sila masisisi dahil anak ni Vlad si Gio sa pagkabinata at makakasira iyon sa reputasyon nila.

Hmm, naisip ko tuloy bigla kung kasama din ba sa nabanggit ni daddy na ranggo ang pamilya nila Vlad dahil kung tutuusin ay sobrang yaman ng mga Salvador pero hindi ngayon ang akmang oras para isipin ko ang bagay na iyon dahil ang makabawi sa anak ko ang priority ko ngayong araw.

"Baby say ti-to, tito po-gi." Paulit-ulit na saad ni Lucas hanggang sa makaupo kami sa isang bench para magpahinga saglit.

"Kung ano-ano iyang tinuturo mo sa anak ko, tinuturuan mo pang magsinungaling di ka naman pogi, heh!" Pagkuwan ay saway ko kunware kaya agad na nagsalubong ang kilay nila Lucas tyaka tinitigan ako ng masama.

"Pa-pa... Didiiii." Biglang nagsalita si baby Gio kaya sabay kaming napalingon ni Lucas sa kanya.

"Aw baby it's tito, your dad is not here he's pangit kasi so si tito pogi nalang muna ah," si Lucas ang unang nakarecover at kinausap pa si baby Gio na animong nagpapaliwanag.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot. Hinahanap ng anak ko ang papa niya, marahil ay miss na din niya ito since siya naman talaga ang mas matagal na nakasama ni baby. Nakaramdam din tuloy ako ng kaunting selos, buti pa si Vlad at nakasama si Gio, naalagaan at di nakalimutan samantalang ako na mama niya ay kilos teenager noong mga panahong di siya maalala ng utak ko.

"Didi...didi..tatatatata." Biglang nanggigil si Gio at ang mukha ni Lucas ang napagdiskitahang lukumusin gamit ang maliliit niyang daliri na may bonus pang laway hahaha.

"Ayan di ka daw kasi pogi hahaha," saad ko habang tawa pa din ng tawa. Si Lucas naman sa kabilang banda ay humaba na ng husto ang nguso dahil sa pagkadismaya.

"Puro ka didi mas pogi naman ako dun," aba't kinurot niya ang pisnge ng anak ko.

"Hoy! Huwag mo ngang kinukurot ang anak ko!" Akmang kukunin ko na sakanya si baby pero di niya pa rin binibigay. Buang kasi, patulan ba naman ang bata.

"Nope, di ko siya ibibigay sayo hangga't di siya nagsasalita ng tito." Parang batang tumayo pa si Lucas tyaka inilayo sa akin ang bata.

"Yahh! Lucas ibalik mo sakin ang anak ko!" Agad na kontrang sigaw ko tyaka mabilis ding tumayo para habulin sila.

Ngunit hindi pa man nakalalayo ay biglang tumigil si Lucas at ganon lamang ang pagkagulat ko nang makitang kompleto ang mga kaibigan ko sa daan na mismong tinahak ni Lucas kanina at gulat na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin pati na sa bata.

Oh God! They still doesn't know about my child. Nababanggit ko noon sa mga kwento ko si baby Gio pero they never asked me about who is he really kaya di na din ako nagkwento pa.

MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Where stories live. Discover now