Chapter 15: Lord Li Bough

762 70 10
                                    

After several hours of walking……

'Nasaan na ba ako? Akala ko ba malapit lang ang minahan? Hindi naman ako nawawala diba? Ang init naman sa disyerto. Tsk.'

♦Desert of Despair

Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Diretso lang naman ang lakad ko. Paano kaya ako makakabalik?

Ilang oras akong nakaupo sa mainit na buhangin. Alam kong laro lang ito pero tulad ng mga disyerto sa tunay na buhay ay nakamamatay ang magpatuloy na hindi mo alam ang daan.

'Aha! Meron pala siya. Bakit hindi ko agad naisip? Sana makatulong siya.'

Pumunta ako sa Pet Interface at pinindot ang Summon button. May lumabas na ilaw sa harapan ko at unti-unti itong nagfoform.

Shua!

Lumabas ang unggoy na may puting bandana sa ulo. Parang salawal ang itsura ng nasa ulo niya. Kainis.

»Golden Monkey
Level 1
Exp: 0

Strength: 5
Vitality: 5
Intelligence: 10
Agility: 10
Dexterity: 10
Psyche:5

Loyalty: 10
Charm: 20
Luck: 10

Skills:
*Human Intelligence (SS)
*Steal (A+)
*Greedy Eyes (S-)
*Looting (S+)
*Extended Inventory (A+)
*Unpredictable (SSS)

Ang ganda ng stats niya at matataas ang rank ng skills. Kung sinuswerte ka nga naman Theta. Ano kaya ang descriptions ng ski—.

"Hoy, lapastangan! Sinong nagpahintulot sa'yo na hindi ako pansinin?"

May tao ba dito? Nilingon ko ang paligid pero wala naman akong nakikitang player o NPC. Nakapagtataka, saan kaya galing ang boses na yun? Nang wala talaga akong makita ay binalik ko ang tingin ko sa skills ng pet ko.

'Hmm. Hmm. Maganda ang skill na ito at itong isa pa. Pati rin pala 'to. Ahahaha. Jackpo—'

"AAAAWWWW!!"

"Aray! Aray!" Patalon-talon ako habang hinahawakan ang namamagang tuhod ko.

"Hahaha. 'Yan ang bagay sa'yo lapastangang elf!"

"Ikaw ang kumagat sa akin? Loko ka ah!" Akma kong sasakalin ang nakakaasar na unggoy.

"Teka,bakit nakapagsasalita ka?"

"Haha. Nakapagtataka bang makapagsalita ang isang maharlikang tulad ko? Dapat nga ang Lord na ito ang nagtataka dahil nakapagsasalita ang isang mababang uri ng elf na katulad mo!"

'Aba't ang hangin ng mokong na ito ah.'

"Bakit tinatawag mong Lord ang sarili mo? Isa ka lang namang unggoy oh."

"Ako?" Ang maliit na unggoy ay parang biglang nabuhayan dahil nagkaroon siya ng pagkakataon para ipagmalaki ang kanyang sarili. Tumayo siya habang nasa likod ang dalawa niyang kamay. His white bandana fluttered with the wind as he said in a reserved manner, "Ako ang Heneral at kanang kamay ng kataastaasang, kagalang-galangang hari ng mga unggoy. Sinamahan ko ang aking Master sa pagsugpo ng kasamaan at naghari sa buong mundo sa loob ng isang libong taon. I looked down on the entire world and stood supremely above all. You can call me Lord, Lord Li Bough."

"Pfft!" Natatawa at natutuwa si Theta sa naririnig niyang pagmamayabang ng maliit na unggoy kung gaano daw siya kalakas at kahanga-hanga habang seryoso pa ang mukha.

Supremacy OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon