Chapter 8: Weird

750 73 5
                                    

[Your level has risen.]

Nakita ko din ang pinakahihintay ko. Sa wakas level 8 na ako at magagamit ko na ang Spike Club.

Pagka-equip ko nito ay hindi ko mapigilang matawa. Mukha kasi akong gangster sa hawak kong pamalo.

Kahit tuwang tuwa ako sa laki ng Exp na binibigay ng mga Level 7 bear na hinahunt ko, hindi ko mapigilan ang sumimangot.

Nagsimula ang problema ko pagkatapos kong mapatay ang Wolf King. Wala akong tigil sa pagpapalevel kasi hindi pa naman napupuno ang parte ng gubat na ito ng players.

Madalang akong makakita ng ibang players kaya madami pa ang mobs dito. Sa dami nila ay sobrang nakakapagod dahil tuloy tuloy sila sa pagdating. Buti na nga lang at isa isa lang sila kung sumugod.

Halos wala akong pahinga sa pakikipaglaban. Level 5 Goblins, Level 6 Redmane Wolves at Level 7 Bear ang nakaharap ko na dito.

Tambak na ang bangkay ng mga ito sa likod ko. Para na ngang maliit na bundok sa dami ng napatay ko bago ako naglevel 8.

Ang pinagtataka ko, sa dami ng nahunt ko bakit wala man lang drop na coins o equipment?

Sinubukan kong tignan sa website ng Supremacy Online ang drop rate ng Equipments at hindi naman ako nabigo. May 5% chance makadrop ng white equipment ang isang normal na mobs. At pababa ng pababa ang porsyento depende sa grade ng equipment.

"May 5% naman pala, eh bakit ni isa wala man lang binigay 'tong mga 'to?!" Parang gusto ng lumabas ng ugat sa ulo ko dahil sa inis.

"Hayy. Siguro malas lang talaga ako. Tss."

Pinagpatuloy ko nalang ang pagpapalevel. Hindi ko na din alam kung nasaan ako.

Useless naman kasi yung map. Andaming nakalagay na signs kaya nakakalito. May triangle na kulay berde, may parang ahas na kulay asul, may ahas din na kulay brown tapos parang sobrang dami nung broccoli ata yun. Aba ewan talaga, may gumagalaw pang red na arrow.

Kaya napagpasyahan kong never ko na talagang gagamitin ang map dito sa laro. Hindi siya user friendly.

Tatlong oras din ang nakalipas at wala paring nagbago. Lumipat na ako ng spot pero ganun parin, walang drop na kahit ano.

Nakakapagtaka na talaga kaya gusto ko na namang lumipat ng spot pero hindi ko na tinuloy kasi mataas naman ang Exp na bigay ng Level 8 Red Boar.

"Magpapalevel nalang ako. Yun naman ang mahalaga."

Yan ang sinasabi ko sa sarili ko. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin sa mga napupulot kong armors at weapons. Yung iba nga iniiwan ko nalang kasi puno na yung bag ko. Ang kinukuha ko nalang ay yung mga health at mana potions na paminsan minsang drop ng mobs.

"Ahhh! Naalala ko na kung kailan nag-umpisa 'to."

***Flashback

"Hmm. Sayang ang space ng inventory ko. Mas importante 'tong mga potions."

Tinatapon ni Theta ang mga white at gray equipments na napupulot niya.

Kapag nakita siguro ito ng ibang players ay iisipin nilang anak mayaman si Theta.

"Ahhh! Bakit mo tinatapon yang mga yan!?"

"Huhuhu. (T.T) isa siyang prodigal son."

"Level 5 na ako pero wala pa akong white equipment. Tapos siya nagtatapon lang!? Nasaan ang hustisya!"

"Siguro may pinsan o kapit yan sa S.O. Corporation."

"Oo nga."

"Nakakaasar sa laro yung puro pera lang ang ginagamit para lumakas!"

Supremacy OnlineWhere stories live. Discover now