Chapter 9: Legacy?

742 79 8
                                    

Sa gitna ng kagubatan ay makikita ang 101 na kalalakihan. Kilala sila sa laro at naging trending sa unang araw palang ng SO. Hindi lang dahil sa dami nila kundi dahil sa mga mukha nilang nakakatakot na parang palaging naghahanap ng away. May mga ilan ngang tinignan lang nila saglit ay nag-logout agad at hindi na ulit naglaro.

"Master, pahinga muna tayo. Hah... hah... hah... hah..." Hingal na sabi ng isa.

"Walang titigil! Ito ang pagsubok para sa mga tunay na lalaki! Ipagpatuloy ang pagsuntok sa mga mobs! Ang mamamatay ay gagawa ng 1000 push ups at tatakbo ng sampung beses akyat baba sa Bulkang Mayon!"

"Hayaah!"

"Haahh!"

Busy ang lahat sa paggamit ng kanilang katawan sa pagtalo sa mga mobs. Wala silang gamit na kahit na anumang armor o weapon. Tanging mga beginner clothes na gutay gutay ang suot nila kahit level 5 na sila.

"Master malapit dito ang Goblin Forest at ayon sa mga nakalap kong impormasyon ay malalakas daw ang mga Goblins."

"Magaling BigBrother2. Maaasahan ka talaga. Balang araw ikaw ang magmamana ng dojo ko."

"Thank you Master!"

"Oh siya, ituro mo na ang daan.

****

Habang hinahabol ni Theta ang Golden Monkey ay may nakasalubong siyang mga gangster este players.

'Heok! Ang dami naman nila!'

Lalo siyang kinabahan nang tumakbo ang mga ito papunta sa kanya.

'Gusto niyo ng away ah. Sige pagbibigyan ko kayo.'

Hinigpitan ni Theta ang hawak sa Spike Club at Shield niya. Hinihintay ang kalaban na makalapit at unang umatake subalit hindi niya inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.

"Ahh, hello sir. Magandang araw."

"Excuse me po."

"Makikidaan po kami."

"Kailangan mong umalis agad dito kaibigan. Baka masaktan ang sexy mong katawan."

"Ang ganda naman niyang pamalo mo sir."

"Dapat mag-workout ka. Nakikita mo ba 'tong mga muscles ko?"

"Walang sinabi ang muscles ni BigBrother75. Ito ang tignan mo sir!"

"Huwag mo siyang guluhin BigBrother99. Madaming Goblins na sumusugod."

"Sorry BigBrother34."

"Aalis na kami sir Elf."

"....."

Nilagpasan siya ng mga 'to at sinugod ang mga Goblins na humahabol sa kanya.

'Akala ko mga gangster pero mga weirdo lang pala. Huhh!'

Hinayaan niya nalang sila at pinagpatuloy ang paghahanap sa unggoy.

****

Ngayon ay nagtatago si Theta sa damuhan at pinagmamasdan ang unggoy na kumakain ng saging.

'Hahaha. Huli ka ngayon. Lagot ka sa akin mamaya. Hahaha'

Nakakapanindig balahibo ang ngiti ni Theta. Dahan dahan siyang umatras at bigla nalang siyang nawala sa mga anino!

Muling masasaksihan ang maalamat na galaw ng Legendary Assassin Thanatos. The personification of death! May 100% success rate sa 164 na misyon na kanyang ginawa at lahat ng mga ito ay kurakot at masasamang target. Lahat sila namatay sa isang tira lang.

Supremacy OnlineWhere stories live. Discover now