HAS 4: Killer or Savior?

5.9K 231 81
                                    

4: Killer or Savior?

Yuri

Nakakatawa sila. Kailangan ba nilang magsisihan?

Magkakapatayan na silang lahat sa sobrang pagsisisihan nila, hindi ba nila naisip iyon? Paano kung wala rito sa amin ang killer? Edi magkakapatayan sila?

Aba, hindi naman yata pwede iyon. Ayokong mamatay dahil sa sisihan.

Napansin kong nakatingin si Cris Mark ng masama kay Reign. Hindi ko alam kung bakit, pero may nararamdaman akong kakaiba sa titig niyang iyon. Tinitigan ko naman si Reign na tahimik na nakaupo sa sulok, at parang hindi mapakali. Katabi niya roon si Mexie na nanginginig sa takot matapos ang nangyari kagabi; nakita siya ni Reign kasama ang killer, ngunit dali-daling tumakbo ang killer palayo. Imbes na habulin ang killer ay naisipan niyang puntahan si Mexie at buhatin ito kahit hindi niya kaya.

Iyon ang kwento niya. Wala namang nakakita sa totoong nangyari bukod kay Mexie na takot na takot magsalita.

Malay ba namin kung naggawa lang siya ng sarili niyang kwento upang pagtakpan ang kaniyang sarili.

Tiningnan kong muli si Cris Mark, at laking gulat ko nang ibaba ko ang tingin ko papunta sa kanang kamay niya. May hawak siyang kutsilyo, oh my God! I think he'll use that to hurt Reign! What to do?

Tumakbo siya palapit kay Reign, ngunit mas mabilis ako sa kaniya kaya naagaw ko ang kutsilyo mula sa kamay niya. Mali nga lang ang pagkakakuha ko dahil nakatayo ang kutsilyo. Ang talim nito ang nahawakan ko kaya may tumusok sa akin.

"Ouch!" Napatingin silang lahat sa daing ko. Sa totoo lang ay hindi masakit, gusto ko lang makuha ang atensyon nila. Mas masakit pa ang mga nangyari sa akin kaysa sa simpleng saksak ng kutsilyo na ito. Ni-hindi nga bumaon ng todo--daplis lang halos. Nakakairita na kasi ang sumabatan nila, para naman silang hindi masasamang tao lahat.

Lahat ay may tinatagong baho.

"Anong nangyari sa iyo, Yuri?" alalang tanong sa akin ni Leian. Style concern e, gusto lang naman niyang pumayag ako sa kasunduang gusto niya. Hindi ako pumayag dahil hindi ko gusto ang plano niya.

Isa pa, ayaw kong inuutusan ako.

"Ayos lang ako. E, kayo ba, ayos lang ba kayo? Bakit ba nagsisisihan pa kayo e, mga wala naman kayong pruweba? Sabihin niyo nga, anong pruweba niyo at sinisisi niyo ang isa't isa?"

Natigilan silang lahat at ako naman, napatingin ako sa direksyon ni Hyzel na nakangisi, pati rin si Cris Mark.

Ano bang nangyayari sa kanila?

"Ako, meron akong sasabihin pero wala pa namang pruweba," saad ni Cris Mark na nakangisi pa rin.

Leian

Grabe, ibang-iba na ang mga kaklase ko dahil para silang mga tangang nag sisisihan.

"Ikaw! Ikaw Leian ang killer!" sumbat sa akin ni Cindie tsaka ako dinuro-duro.

Hinawi ko ang kamay niyang gamit pangduro sa akin, at sinamaan ko siya ng tingin. Napaatras naman siya sa ginawa ko.

Palibhasa ay wala ang leader nilang ipagtatanggol sila kaya biglang natakot sa akin. Palibhasa ay may nangyaring masama kay Mexie. Kasi kung wala, sinampal na niya ako ngayon sa ginawa kong panghahawi ng kamay niya.

"Ugh, you bitch! Mamatay ka ng killer ka!" sigaw niya ngunit patuloy pa rin ako sa masama kong tingin.

"Ikaw rin!" sigaw ko.

Hide and Seek 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon