Mukhang napasarap ang tulog ko dahil sa paggising ko kagabi na hindi ko alam ang oras, at ngayon, late na talaga ako dahil 7:15 na ay nandito pa rin ako sa bahay, hindi naman ako aabot doon sa class ko sa tamang oras kahit 15 minutes ang byahe at hindi pa kasama roon ang traffic at paglalakad ko papasok sa campus. Lagot ako kay Sir Elias.

"Hija, hindi ka mag-aalmusal? Halika, kumain ka muna rito bago umalis."

"Manang, hindi na po. Doon na lang po sa school, late na po kasi ako." Sagot ko.

"Sigurado ka ba?" Tumango ako. "Sige, mag-iingat ka."

"Sige po, salamat po." Sagot ko at pareho kaming nagulat ni Manang nang mag-switch ang ilaw dito sa sala. May kuryente na, ngayon lang nagbalik. "Mabuti po at may ilaw na."

"Nagtataka nga kami kung bakit nawala, mayroon naman 'yong mga katabi natin. Kaya pina-switch ko sa guard na naglilibot, nakapatay pala 'yong circuit breaker." Sagot pa ni Manang kaya nagtaka ako. Ibig sabihin, hindi talaga brownout at may nangialam lang sa circuit breaker? Sino naman?

Nagpaalam na ako kay Manang at lumabas na. Hanggang ngayon, wala pa rin sina Daddy at Mommy dito sa bahay, wala pa rin silang text sa akin. Pero siguro, pauwi na sila.

Pero buti na lang at hindi pa sila dumating. Paano na lang kung makita nila akong wala sa room ko at malamang nagtabi kami ni Lennon? Not that big deal pero alam kong pagagalitan kami.

Pero hindi ko naman sinisisi si Lennon na pinatulog niya ako sa room niya, natutuwa nga ako kasi parang nagkakaroon na siya ng pake sa akin. Kahit tinwanan niya ako kagabi dahil takot ako sa kulog, narandaman ko pa rin 'yong care niya para sa akin na magtabi na lang kami para may kasama ako at hindi matakot.

Hindi man niya sinasabi. Ramdam ko.

Tuluyan na akong nakalabas ng gate at napatigil ako nang makita si Lennon. Nakasandal siya sa pinto ng kotse niya and he's playing his car keys, naka-shades siya and with his usual attire na suot niya, at parang may hinihintay siya kaya napatingin ako saglit sa likod ko.

 Nakasandal siya sa pinto ng kotse niya and he's playing his car keys, naka-shades siya and with his usual attire na suot niya, at parang may hinihintay siya kaya napatingin ako saglit sa likod ko

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.


Oh, nandito pa rin siya. 7:30 rin ba 'yong class niya? O baka naman may vacant pa siya. Bakit hindi pa siya umalis at mukhang may hinihintay pa?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa madaanan ko siya at tumabi para maghintay ng taxi. At siya, nasa ganoong pwesto pa rin siya at patuloy lang sa paglalaro ng susi niya. Bagong trip niya ngayong umaga, o baka naman, nagpapa-late o may trip na gawin sa akin.

"Tanga ka ba o sadyang manhid ka lang talaga?" Tanong niya at siningkitan ko siya ng tingin, at sakto namang nakalingon na siya sa akin.

Ano na naman ang nagawa ko at galit na naman siya sa akin?

"Ha?" Tanong ko lang at umiwas ulit ng tingin sa kanya.

A Night To Fallحيث تعيش القصص. اكتشف الآن