Chapter 30 (Part 3)

210 16 2
                                    







©©© Palawan Gaming Continues ©©©












Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.








"I didn't gave you the permission to wear that. Asawa mo ako, sa akin ka dapat makinig, hindi sa iba. Ang sa akin ay sa akin lang, got it? "  Paulit-ulit yang tumatakbo sa ulo ko. Ano bang gusto mong iparating Jeon? Ginugulo mo ako eh.

















Tapos na kaming kumain lahat lahat pero binabagabag pa rin ako ng boses ni Jungkook na kahit na ang layo na nila sa akin ay naalala ko pa rin kung paano tumindig ang balahibo ko na pati yata yung nasa down there nagsi-taasan na rin. Ano ba tong iniisip ko?





















Nakaupo ako sa mga upuan sa cottage namin at pinapanood ko silang mag-volleyball. Ayoko kasing sumali sa kanila dahil naa-awkwardan ako sa mga tingin ni Jeon. 
















"Saf, di ka ba sasali? " Tanong ni Jimin oppa.















Umiling lang ako at ngumiti sa kanila. Sa totoo lang na-awkwardan din ako sa suot ko eh pero keri lang naman. Nasa kagitnaan sila ng laro nila at talagang nagkakainitan na ngayon dahil sobrang galit na galit sa amin yung araw.





















Hanggang sa naghubad na si Jimin oppa ng damit niya. As expected sa muscle man ng bangtan. Napakagat ako ng labi ng makita kong may butil pa ng pawis na tumulo mula sa mukha niya pababa sa leeg hanggang sa kanyang mga mahiwagang bato. Shet ang hot!






















Napaiwas agad akong ng lumingon siya sa gawi ko. Nakakahiya! Nakita pa niya akong pinagnanasahan ang kanyang pan de coco. Sa pagiwas ko ng tingin nakita kong nakatingin din pala sa akin si Jungkook. Ang sama na naman ng tingin nito. Siguro nahuli niya akong nakatingin sa abs ni Jimin oppa? Di kaya... May crush siya kay Jimin oppa kaya ang sama ng tingin niya sa akin!? Oh no! Bakla ba yung asawa ko? Parang sa My husband's lover lang?  Ako ba yung bidang babae sa My husband's lover?




























EngagedWhere stories live. Discover now