Dahil sa curiosity ay lumabas ako at chineck kung sino ang bwiseta sa labas kung meron man, dinala ko na din yung bag ko tutal paalis na din naman talaga ako. Mukhang mag-isa ako ngayon papuntang school ah.

"Tara na?" saad ng lalaking dumungaw sa may pinto ng sasakyan na si.....

"Vlad? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko sa bumungad sa akin sa labas.

"Nabalitaan ko kasi na wala daw maghahatid sayo ngayon papuntang school kaya heto at bibigyan kita ng free ride," nakangiti pang aniya na lumabas at pinagbuksan ako ng pinto.

"Hahaha baliw! Si kuya yan no?" Nasabi ko nalang tyaka lumapit na din.

"Ang alin?" painosente pa siya ah.

"Yung informant mo, magkasama sila ngayon ni Krizele diba?" saad ko naman.

"Actually it's Krizele, siya ang nagsabi sa akin haha as you can see sobrang bait na niya ngayon, tinamaan ata sa kapatid mo eh," tatawa-tawa pa siya. Konsintidor din ang bruhildo.

"Grabe ka sa kapatid mo," biro ko din tuloy.

"Oo na halika na bago pa lumabas parents mo mapalayas pa ko ng wala sa oras dito," turan niya. Well, hanggang ngayon kasi ay mainit pa din ang dugo ng parents ko kay Vladimir kaya maging ang pagbisita at pagkuha kay baby Gio ay hindi niya magawa. Kawawa naman ang Vlad ko. Luh?

Napailing nalang tuloy ako tyaka sumakay na din sa kotse niya. Choosy pa ba ko eh free ride daw to, buti na lang pala dinala ko na din ang mga gamit ko pag labas.

Habang nasa byahe ay marami-rami din kaming napag-usapan kasama na doon yung nangyari kahapon.

"Ano pala nangyari dun sa grupo nila Ryza?" Tanong ko kay Vlad.

"Suspensed one week," simpleng sagot niya lang.

"Eh paano naman ang mga kaibigan ko?" nag-aalalang tanong ko pa muli.

"Hmm community service, papasok sila pero sa weekend mag gagarden dun sa vacant lot, puno na nga ng mga halaman dun sa dami ng pasaway na studyante haha," at natawa pa talaga ang loko.

"Excuse me! Hindi naman kami pasaway eh, ipinagtanggol lang namin ang sarili namin," pagtatanggol ko pa sa reputasyon namin.

"Yah I know okay? Ipinaglaban ko nga yun sa office kahapon eh," pagmamalaki pa niya.

"Hahaha talaga lang ah. Ay teka! Paano pala ako---

"Baby you're a victim, I won't let you suffer even more so don't worry." Panapos niya sa usapan namin kaya tumango nalang din ako bilang sagot.

Actually medyo umatras kasi ang dila ko dahil ayan nanaman siya sa mga words niya na nagpapabilis ng bongga sa tibok ng puso kong marupok!

At ilang sandali pa nga ay nakarating na kami sa school.

May ilang napapalingon pa sa gawi namin marahil ay nagwawonder kung bakit sabay kaming bumaba sa iisang sasakyan ni Vlad. Hays, palagi nalang bang ganito ang eksena? I don't know pero habang tumatagal ay parang parami rin ng parami ang mga estudyante hanggang sa makita namin ang kumpulan sa mismong room namin. Huh? What happened again this time?

Biglang nag give way yung mga estudyante sa dadaanan namin kaya mabilis na din kaming nakapasok hanggang sa nakarating na kami sa loob only to see ate Rosa sitting on my chair na katabi ng seat ni Vlad.

What is she doing here?

"Well, well, well! Nandito na pala kayo haha my litle step sister and Vladdy my FIANCE," at talagang pinakadiinan pa niya ang huling salitang kaniyang sinabi.

What? Ano daw? Tama ba pagkakarinig ko?

"Lindy! Binabalaan kita----

"What? Ayaw mo bang malaman nila o takot kang malaman ni Ayumi ang tungkol sa atin?" Anong ibig niyang sabihin? Ano to? Ano nanaman ba to?

"Vlad, tell me what is the meaning of this please." Naguguluhang saad ko kay Vlad, nagsusumamong mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi ni ate.

"Baby don't listen to her----

"At bakit pinagbabawalan mo siya ha? Well I'm sorry dahil hindi ako papayag na aali-aligid sa fiance ko ang babaeng to! Oo Ayumi tama ang pagkakarinig mo fiance ko si Vlad, FIANCE KO SIYA, AKIN SIYA, AKIN LANG!" Dinuro-duro niya ko tyaka palapit nang palapit sa akin habang sinasabi ang lahat ng iyon.

Tila nabingi ako dahil sa mga sinabi niya, ni hindi maprocess nang maayos ng aking utak ang mga salitang binitawan niya. Vlad and her--- fiance--- what, I mean sila? Pero paano?

Bakit ba kung kailan akala okay na ang lahat ay tyaka may dadating nanamang bagong gulo. Ayoko na... pagod na pagod na ko.... pagod na kong masaktan Vlad.

Napalingon at napatitig ako kay Vlad habang unti-unting napapaatras hanggang sa pinili ko nalang na takasan ang lahat. Mabilis akong tumalikod at walang lingon-lingong lumisan sa lugar na iyon. Gusto ko nalang sa ngayon na marating ang bukas na pintuan at makaalis sa lugar na ito.

Habang paalis ay di nakatakas sa aking paningin ang balak na pagsunod ni Vlad. No Vlad! Please huwag mo kong sundan---

"Let's go," mayroong biglang humawak sa kamay at agaran akong hinila palabas dahilan upang hindi ako maabot ni Vlad.

Tiningala ko ang bulto ng lalaking humila sa akin at napagtantong si Lucas iyon. I never imagined him to be my savior right now.

Sa sobrang dami nang nasagap ko ngayong umaga ay kaunti nalang talaga ay alam kong bibigay na ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Wala na din akong sapat na lakas para magsungit pa kaya nagpatianod na lang ako sa kung saan man ako dadalhin ni Lucas. Bahala na dahil ang gusto ko nalang ngayon ay ang makaalis sa lugar na ito.

To be continued.....
©Mikireyaki(Mamikay)
FB Account: Mikay Aespen Tanaka


MIDNIGHT ENCOUNTER [Completed]Där berättelser lever. Upptäck nu