Just us

6.8K 168 2
                                    

Nakarating na kami dito sa farm namin pero tulog na tulog pa din si Brandi,naka baba na sina Vhodka at Rence nagpaiwan na ako kasi ayokong magising si Brandi na hanggang ngayon ay nakaunan pa rin sa aking mga hita.


Nagdadalawang isip ako kung bubuhatin ko ba siya papasok sa loob o hahayaan na matulog nalang dito sa sasakyan hanggang sa magising siya. Nagulat pa ako ng may marahan na Katok akong narinig sa bintana na nasa kanan ko ng lingunin ko ay nakita ko Walter na nakadungaw sa malaking siwang ng bintana at pinagmamasdan ang kapatid na tulog.


"Naku bayaw! Ipasok mo na iyan sa loob maya pa iyan gigising,pinuyat mo kasi kagabi eh" Napalingon naman agad ako sa sinabi niya "oh! Wag na magtaka ingay mo kasi kagabi hanggang madaling araw saka nakita kitang umaakyat sa balkonahe na nasa tapat ng kwarto ni Andi,kalapit ko lang ang kwarto niya kaya ko alam,tindi rin ng pagkahumaling mo sa kapatid ko ano? Kahit magkikita naman kayo kinabukasan talagang pinuntahan mo pa rin,kaya gustong gusto kita sa para sa kapatid ko eh,magkakasundo tayo pag ganyan and one more thing bayaw wag mo hayaan makita si Brandi ng mga kasama natin kasi kanina pa nila kayo inaabangan para daw batiin,ipinakita na sa akin ni bunso iyong video niyo at base sa nakita ko wala sa sarili ang kapatid ko ng mangyari iyon,patay kang Paolo ka pag iyan nagising Buti pa Ipasok mo na iyan habang tulog pa para pag may nangyaring di kanais nais sayo ay walang ibang makakaalam sa kahahantungan mo"




Humagalpak pa ito ng tawa bago umalis,kinabahan tuloy ako sa pwedeng mangyari mamaya. Nang makalayo na ito ay dahan dahan kong iniangat ang ulo ni Brandi at marahan ko itong ipinatong sa upuan bago tuluyang buksan ang pinto ng sasakyan ng magawa ko iyon ay binuhat ko na siya papunta sa cottage ko na tutuluyan naming dalawa habang andito kami sa farm.





Malapit ba kami sa cottage ng makasalubong ko si Rence,mabuti nalang at nasa kani kanilang tutuluyan na ang mga kaibigan namin.



"Oh idol! Need help?" Pabulong nitong tanong ng makitang karga ko si Brandi


"Oo! Paki buksan nalang iyong pinto na kulay brown saka pakisara na din pag pasok namin at umalis ka na salamat!"



Nakangisi itong tumingin sa akin bago nagsalita "oo aalis din ako,ayoko ng makita kung paano ka patayin ni friend,good luck idol pinasasabi din pala ni babe at ni Bayaw oh siya una na ako"



Totoo ba ito? Dapat na ba akong magtago kay Brandi? I can defend my self of course but I won't hurt her. Lumabas na ako ng maihiga ko na siya sa kama namin at lumabas na din ako para kunin ang mga bag namin na nasa sasakyan pa.

----


Eto na siguro ang pinaka magandang umaga na gumising ako. I'm just staring at her beautiful angelic face,no one knows that behind her innocent looking face is a strong lady. Di man naging maganda ang gising niya kagabi,naging maayos naman ang lahat sa amin bago kami nakatulog. Kahit masakit pa rin ang katawan ko sa pang bubugbog niya at pagtilapon niya sa akin okay lang,may maganda namang kinalabasan.



I hug her so tight,tulog pa rin siya,napuyat ko nga siguro siya nong nakaraang gabi.


Nakatulog ulit ako ng hindi ko namamalayan,ng magmulat ako ng mata ay wala na siya sa kama,nagpanic agad ako sa isipin na panaginip lang siguro lahat ang nagyari kagabi. Pero nawala ang takot sa aking dib dib ng makarinig ako ng ingay mula sa labas ng kwarto namin,di ako nagkakamali boses iyon ng babaeng mahal na mahal ko at ng kanyang kapatid na si Vhodka. Lumabas ako na parang di alam na may tao sa labas ng kwarto,pinanlakihan ako ng mata ni Brandi ng makita niyang naka boxer shorts lang ako at walang pang itaas,nakita ko na namula ang kanyang mukha sa pagkakita sa aking kahubdan.



Unexpected love affairWhere stories live. Discover now