start over again

8.4K 161 3
                                    

Everything are back to normal again,Paolo pick me up,take me to school and take me back home. Every Friday sa bahay na nila Paolo ako natutulog until Monday then balik na ulit ako sa bahay namin. Okay lang naman sa parents ko at sa parents niya ang arrangements na iyon. Sa katunayan ay sila pa mismo ang nag suggest ng plano na iyon. Kung hindi ko lang talaga alam na mga magulang ko talaga sila baka isipin ko na ampon lang nila ako at gusto na nila akong ipamigay.

Kulang nalang talaga kasal eh! Para masabi na magasawa na kami sa sitwasyon namin ngayon. Im happy and contented at this moment of my life. Paolo is being an ideal fiancé,minsan nga inaasar niya ako kasi nag iimprove na daw ako sa pag aasikaso sa kanya. Lagi pa rin naman kaming nag aaway dahil sa maliliit na bagay pero carry lang  that's part of our life and I can't live without it. 

Si Papsie at daddy Luke ayon at busy sa pagpapagawa ng bahay na ireregalo daw sa amin ni Paolo sa kasal namin. Si mamsie at momy Paula sila ang abala sa pag aasikaso ng kasal namin ni Paolo.  Mga excited ang mga tanders para sa amin,kahit ang mga kaibigan namin ay ganon din.

Ako? Eto pa easy easy muna,malapit na mag sem break. Ang barkada nag iisip na kung saan ang susunod na destination namin. It's saturday,dito kami sa bahay nila Paolo,bahay ko na din daw pala. Nagiinuman na naman sila,ako hindi pwede baka daw kung mapaano ang baby namin. Adik lang ang peg,makababy eh may period ako ngayon,actually pareho kaming dalawa na hindi umiinom kasi magdedate daw kami mayang gabi. Tatakasan daw namin ang barkada kasi naistorbo ang bonding namin ngayong araw dahil sa pagdating nila.

"Hoy! kayong dalawa dyan para kayong hindi magkasama araw araw at tuwing weekend dito ka na nakatira Brandi,hindi pa rin ba kayo nagkakasawaan? Maunga na abah hinay hinay"

Tiningnan ko ng nakangiti lang si DA,sumimangot ito,kaya natawa ako ng tuluyan.

"Inggit ka?" Umirap ito sa akin "sundan mo"

Nag away si DA at Kitten,dahil sa sobrang possessive ni DA,may sinuntok itong kaibigan ni Kitten na lalaki ng makitang nagkakasayahan ang dalawa. Kaya ayun ang ending sumama si Kitten mamundok sa kung saang lupalop ng Bagiuo. Hindi naman makasunod si DA kasi binigyan ng restraining order ni kitten  ito na hindi pwedeng lumapit dito unless si Kitten ang unang lumapit sa kanya. Which will be impossible any time soon kasi hiyang hiya si Kitten sa ginawa nito sa kanyang best friend na isang juding.

"Ewan!" Sabay tungga ng straight sa vodka na nasa harap nito.

Problemado talaga si kuya.

"Ayan kasi masyadong seloso,kaya ayan nilalayasan ng jowa,selos pa more tol" pag paparinig ni Arlan dito,na nakatikin ng sapak sa binti nito.

"At least ako may karapatan,ikaw! Nang aangkin ng hindi kanya,kaya shot up or I'll punch you in your face"

Hala! Nakakatakot naman si kuya,ang laki ng epekto ni Kitten dito,seryoso talaga ang gago sa kaibigan ko. Maitext nga pala iyong babaeng kabute na iyon. Papabili ako ng pasalubong.

"Tama na yan DA,chill na tol,di yan madadaan sa ganyang paraan" awat ni kuya Arnel sa mga ito "paligin mo muna ang ulo ni Kitten,magkakaayos din kayong dalawa" sabi pa nito na bimaling sa akin "Brandi! Itext mo si Kitten na pupunta tayo sa Vietnam"

Vietnam?

"Eh kuya anong gagawin natin sa Vietnam?" Takang tanong ko sa kanya

"Doon tayo sa sem break nyo"

Hala naman! Ano kayang gagawin don? Eh parang pinas din naman doon. Adik ba itong si kuya Arnel?

Humilig ako kay Paolo,namiss ko ito eh. Niyakap naman niya akong mahigpit.

"Pao! Ano meron sa Vietnam? Bakit doon pa? Di ba pwedeng sa Japan nalang? Or sa Korea kaya? Mas interesting pa don kaysa sa Vietnam eh"

Bulong ko dito.

Unexpected love affairHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin