Friends

11.2K 211 2
                                    

Brandi's POV

"ATE! LET'S GO,KANINA KA PA DIYAN" lumabas na ako ng kwarto ko,baka gibain na ng masungit kong kapatid ang pinto ng kwarto ko "problema mo?" tanong ko agad ng pagbuksan ko siya ng pinto.

"Aba naman! Mahal na prinsesa kanina pa kami nagiintay sa'yo sa baba,ikaw nalang ang iniintay,nakakahiya naman sayo" busangot na ang aking magandang kapatid,ang cute niya tuloy tingnan,nginitian ko na lang siya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto at nagtungo sa ibaba kung saan nakaabang ang aming mga magulang at ang aming napakagwapong kuya.

Buti nalang at hindi na sila nagreklamo sa pagkaantala ng aming pagalis sa katagalan kong mag ayos ng sarili.

"Wow! Andi! Worth it naman pala ang paghihintay namin sayo,ang ganda talaga ng kapatid ko mana lang sa Kuya nilang gwapo" sumimangot naman lalo si Vhodka sa sinabi ni Kuya "so! Siya lang ang maganda? At ako pangit ganon ba iyon Kuya?" May himig ng pagtatampong turan ni Vhodka kay Kuya. Natawa naman ako sa pagiging matampuhin ni Vhodka,nilapitan ko siya at niyakap mula sa likod niya "ikaw naman tampo ka agad,alam mo naman kung gaano ako kaganda ay siyang katumbas din ng kagandahan mo,ano pa at naging kahawig kita kung pangit ka? Di ba Kuya?"

"Oo naman,si bunso naman masyado matampuhin,lika nga kayong dalawa payakap din si Kuya" lumapit sa amin si Kuya at niyakap kami ni Vhodka"maya niyan walang magkagusto sayo sa party kasi napaka isip bata mo" pang aasar pa ni Kuya "Kuya naman eh,wala pa sa isip ko iyon,wait ko muna si ate Andi na magkajowa ulit bago ako" inirapan ko siya agad sa sinabi niya.

"Ah wala,18 ka na kaya pwede ka na mag boyfriend,wag mo na ako intayin,Baka mauna ka pa sa akin" ako naman yata ang pagkakaisahan nitong dalawa ah,di pa naman ako ready pag ganitong usapan na.

"Ai nako,tigilan niyo na iyan at Baka magkapikunan pa kayong tatlo diyan,kailangan na natin umalis at baka malate pa tayo,nakakahiya naman kung mag kagayon nga" ani papsie.

Sumakay na kami sa mga sasakyan na nakalaan para sa amin, si mamsie at papsie nakasakay sa car ni papsie kasama ang isa sa mga driver namin,si Kuya,Vhodka at ako naman eh sa car ni Kuya na magara,minsan lang ito ipagamit ni Kuya kaya ingat na ingat kami hawakan ito,siya lang ang pwede mag drive wala ng iba. Ito daw kasi ang kanyang baby bukod sa aming mga kapatid niya at sa girlfriend niya.

Sa front seat ako naupo at sa backseat naman si Vhodka,inaasar namin si Kuya kasi dapat kasama din namin iyong girlfriend niya na si ate Margarita,kaya lang nag away sila kaya heto at kami ni Vhodka ang date niya,ok lang naman iyon sa amin ni Vhodka,masaya kasi kasama si Kuya,saka bonding na rin namin.

Makalipas ang isang oras nakarating na din kami sa venue na pagdarausan ng party at tulad nga ng sinabi ni papsie late kami,di naman ako sinita ng parents namin,itong mga kapatid ko naman ang sumisita sa akin.

"Ate/Andi" sabay pa sila,nginitian ko nalang silang at sumunod na sa mga magulang namin na pumasok sa loob ng venue.

"Late ng nagayos ng sarili,late na dumating sa party,grand entrance pa,you plan this right? Ate!" Litanya ni Vhodka sa akin at inirapan pa talaga ako.

"Galing mo talaga Andi,maganda na matalino pa,manang mana ka talaga sa akin"proud na sabi ni Kuya. Nakaabrisyete kami sa tigkabilang braso ni Kuya,napapagitnaan namin ni Vhodka.

Kung si Kuya Walter at ako eh attention seeker si Vhodka naman attention avoider lol...masungit pa iyan. Sigurado pag ako nasolo ni Vhodka sesermonan na naman ako niyan.

Vhodka is my younger version,I'm two years older than her,napapagkamalan nga kaming kambal minsan,the difference is that I'm taller than her,she got mom's height while Kuya and I got our with dad,attitude? Sort off and fashion sense we're the same. Same with our Kuya he's so cool and he spoils us that's why we love him so much.

Unexpected love affairWhere stories live. Discover now