Visitor

7.4K 170 2
                                    

Two days nalang flight na namin papuntang Vietnam,we are all excited! Lalo na itong kasama ko ngayon hindi mawala ang ngisi simula ng magdate kami na itinakas pa niya ang kotse ni Enzo. nagpaplano siyang mag isa kung ano daw ang gagawin naming dalawa pag nakarating na kami doon. Hinahayaan ko nalang,doon siya masaya eh,supportive girlfri...ay fiance pala,ano ba yan hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon.

ipinagpaalam na kami ni kuya Arnel sa mga parents namin,pumayag naman sila,akala ko nahihirapan kami kasi ito iyong unang pagkakataon na lalabas kami ng bansa na hindi kasama sina mamsie at papsie,kaming magkakapatid lang talaga at kasama pa ang barkada. kinausap pa nga nila si Paolo at Rence akala ko naman pagsasabihan na magbehave iyon pala kabaligtaran. kaya heto at hindi mapuknat ang ngisi ng lalaking ito.

"Sweeetie,pumayag naman si papsie na sa isang kwarto tayo mag stay kapag nasa Vietnam na tayo,naisip ko na kumuha ng private cottage para sa ating dalawa,I want privacy at hindi iyon mangyayari kung makakasama natin ang barkada sa iisang villa,siguradong magulo ang mga iyon,what do you think? I already booked it for a week"

Siya ba ay nagtatanong sa opinyon ko? or nag share lang ng plano niyang gawin? seriously?

Nilingon ko siya.

"Bahala ka nga dyan! may gagawin pa ako"

Iniwan ko siyang nakatayo sa labas ng gate ng bahay namin at lumakad papasok sa loob,naabutan niya akong papasok na loob ng bahay ng hawakan niya ang bewang ko.

"Huli ka!"

Nagulat naman ako sa ginawa niya,pero hinayaan ko nalang siya,ang kulit eh! hindi naman mapagsabihan kasi pag sinabihan ko lalo lang itong gaganahan sa ginagawa sa akin. Lakas pa naman mang asar nitong bakulaw na ito.

"Pao naman! ang kulit mo,magtino ka nga andito ka sa bahay namin"

"Oo na po" sagot nito at hinalikan ako sa pisngi bago tumayo ng maayos pero nakahawak pa rin sa aking bewang.

"Sinabi ko naman sayo huwag mo ng kunin ang mga gamit mo dito,mag shopping nalang tayo then diretso date na din,oh di ba multi tasking tayo in a day"

Inirapan ko naman ito,kung pumayag ako sa gusto niyang mangyari walang shopping na magaganap dahil pagtatalunan lang namin ang mga gamit na bibilhin ko dahil hindi siya papayag sa mga damit na pipiliin kong bilhin. Baka imbes na date ang maging end ng gabi namin ay mauwi pa sa away namin.

"Magtigil ka nga dyan Pao,kanina ka pa ha! hindi ako sasama sayo pag ako naasar talaga sayo" Banta ko sa kanya na ikinatahimik nito.

Wala! takot pala siya eh,sarap tuloy pag tripan.

"Ano? natahimik ka dyan,sige mang asar ka pa,ready na ako" pang bubuyo ko sa kanyang pagtahimik.

Gusto kong matawa sa pag irap niya sa akin,paakyat na sana kami sa itaas sa kwarto ko na makasalubong namin si ate Maria. Anong ginagawa ng babaeng ito dito sa bahay? mapagtripan nga.

"Brandi! buti naman andito ka" salubong nito sa amin "may kasama ka palang ahas" irap nito kay Poalo. Kaya naman nagpaalam na sa akin si Paolo na mauuna ng umakyat sa kwarto ko.

"Just in the room Sweetie!" paalam nito bago umakyat.

Hanggang ngayon mainit pa rin ang dugo nitong si ate kay Paolo. Buti nga hindi na siya pinapatulan ni Pao eh.

"Oh ate,bakit ka andito? akala ko ba don ka na sa kabilang bahay nakatira? naligaw ka yata? alam ba ni kuya Arthuro na andito ka?" inirapan niya ako "siguro tumakas ka no?"

"Brandi tigilan mo nga ako,baka pag untugin ko kayong dalawa ni Athuro,makikita nyo ang hinahanap nyo pareho"

Natawa ako ng muli niya akong irapan,pikunin talaga kahit kelan.

Unexpected love affairWhere stories live. Discover now