Yes or No

8.7K 214 2
                                    

Matapos ang araw na iyon ay hindi ko na pinapansin si Paolo naiinis pa rin ako sa kanya lalo na pag naiisip ko iyong pustahan namin ni Vhodka na natalo ako dahil sa kagagawan niya. Namimiss ko na din siya at iyong mga paglalambing niya sa akin kaya mas lalo ako naiinis hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin,naguguluhan na ako sa sarili ko.

Pinagsasabihan na ako ni mamsie at papsie pati na din si Kuya ang OA ko daw ng dahil lang sa isang laro ay masyado kong dinidibdib ang pagkatalo ko,hindi naman kasi nila alam na may pustahan iyon eh,at pag nalaman ni papsie iyon tiyak ako na magagalit iyon sa amin ni Vhodka. Papsie hates gambling even if it's just a petty one for him it's still a gambling. Si Vhodka naman tahimik lang pero alam ko nagsasaya na iyan sa kaibuturan ng puso niya sa pagkapanalo niya.

I'm not totally galit sa kanya nanghihinayang lang talaga ako sa pera na pwede kong mapanalunan. Ngayon pa ba ako magagalit sa kanya kung lahat naman ng bagay at oras niya ay ibinibigay na niya sa akin. Gusto ko na talagang maniwala sa kanya na totoo lahat ng mga pinapakita niyang pagaasikaso sa akin. Alam ko sa sarili ko na konti nalang bibigay na din ako sa mga panunuyo niya sa akin.

"Friend!" Tawag sa akin ni Rence na kinalingon ko.

Nakaupo ako sa school field namin habang nagbabrows ng mga interesting na picture aking Pinterest account,kakatatapos ko lang mag enrol for the coming school year hinihintay ko lang ang kapatid kong si Vhodka na hindi pa tapos mag enrol hanggang ngayon,

"Yes?" Mataray kong tugon sa kanya.

"Oh chill lang friend,di naman ako ang kaaway mo heto nga pala pinabibigay ni idol" iniaabot niya sa akin ang isang white na envelope.

"What's this? Tell him I don't need anything from him" Tinitigan ko lang ang iniaabot niya sa akin at lumilingon sa paligid namin kung andon nga si Paolo and yes I saw him sitting on the bench few meters away from my behind,naka de kuatro at nakabukang nakapatong ang mga braso sa uluhan ng bench. Ngumiti pa siya sa akin ng magtama ang mga paningin namin.

"Sabi nga niya hindi mo daw ito basta tatanggapin,kaya sabi din niya I check mo muna kung ano ang nasa loob,kasi sigurado daw siya na magugustuhan mo ang nasa loob ng envelope na ito" mahabang paliwanag ni Rence sa akin at basta nalang ito ipinatong sa ibabaw ng iPad ko bago tumakbo pa punta kay Paolo. Nakita ko pa na nagtanguan ang mga ito bago bumaling sa akin si Rence para ngumiti at mag thumps up he also sign me to open the envelope.

"FRIEND! OPEN MO NA!" Sigaw nito sa akin,nagpalipat lipat siya ng tingin sa aming dalawa ni Paolo bago ngumisi papalayo sa kinarororoonan ni Paolo,kumaway ito at nag paalam "SEE YOU LATER LOVE BIRDS"

Nang makaalis si Rence ay ibinaling ko ang tingin sa envelope na iniwan niya,nagulat ako ng makita ang nasa loob noon,sa gulat ko hinanap ng paningin ko si Paolo ngunit wala na siya sa bench na kinauupuan niya nagpalingon lingon ako para hanapin siya.

"Looking for me sweety?" Masaya akong bumaling sa likod ko ng marinig ko ang pamilyar niyang boses,tumango ako sa kanya bilang sagot nakangiti siya sa akin "do you like it?" Tanong ulit niya.

Sa sobrang saya ko nayakap ko siya "whoa! Hold on sweety! Take it easy" at niyakap din niya ako,nabigla siguro siya sa ginawa ko kasi siya lagi ang nag iinitiate ng yakap sa akin at ito ang unang pagkakataon na ako unang yumakap sa kanya at hindi ko siya sinisigawan.

"Thank you! Thank you! Thank you so much! Yes! I like it" usal ko sa pagitan ng yakapan namin.

"Kung alam ko lang na iyan lang pala ang makakapagpaamo sayo sa akin matagal na pala dapat kita binigyan niyan kahit monthly pa kung gusto mo"

Humiwalay na ako sa kanya habang nagsasalita "yabang mo! Saka pano mo nalaman na ito ang gusto ko?"

"I asked your sister,di ba siya ang kapustahan mo?" Tumango ako "sinabi niya sa akin na ito nga daw ang plano mo sa pera na dapat ay mapapanalunan mo galing sa kanya pag dumating na iyong allowance nyo,saka ako na din ang nagbigay ng pusta mo sa kanya tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit ka natalo eh,so ito na iyong way ko ng pag aapologize"

Unexpected love affairWhere stories live. Discover now