EPILOGUE

628 41 3
                                    


MIRACLES do happen to those who believe, iyon ang napatunayan ni Husky matapos niyang malagpasan ang pinakamahirap na pagsubok na yata ng buhay niya: fighting the inevitable, surviving the impossible.

And that miracle happened to him became possible because of love.

Naka-survive siya sa pinakakomplikadong sitwasyon, just a few moments before the life machine was taken off his body. Hindi niya alam kung ano ang nangyari ngunit ang sabi sa kanya, rumisponde ang katawan niya matapos siyang kantahan ni Kitty.

Kung siya ang tatanungin, magic nga iyon dahil pakiramdam niya, nakarating siya sa isang malayong lugar ngunit natatandaan niyang narinig niya ang tinig ni Kitty ang ngaing dahilan para bumalik siya sa lugar na pinanggalingan niya.

Siguro kung may makakarinig ng kwento niya, maaring isipin ng mga ito na nababaliw na siya. But only those who have experienced will know, kagaya nang nangyari sa kanila ni Kitty.

Matapos niyang magising, ang dalaga ang unang una niyang nakita. There were no words communicated, dahil hindi pa niya kayang magsalita noon, ngunit sapat na ang naging titigan nila habang sabay silang lumuluha ni Kitty para maintindihan ang mga nangyari. Hindi niya alam na posible pala iyon, ngunit matapos nilang makilala ang isa't isa, literally and figuratively, halos alam na nila ang tumatakbo sa isip ng bawat isa.

Hinding hindi niya makakalimutan ang kakaibang pakiramdam na makita ang dalaga sa sarili nitong katawan at natitigan niya ito gamit ang sarili niyang mga mata. Kitty's tear streaked face was so beautiful that day and he wouldn't trade it for anything in the world. Nakabalik sila sa kani-kanilang katawan at nakabalik sila sa isa't isa. It was a miracle and a blessing at the same time.

When he finally got out of the hospital, unang una niyang inayos ang kanyang gusot kay Sky. Kinumpirma nga lahat ni Attorney Fabregas na ang dati nga niyang nobya ang maysala ng lahat. Noon lamang din niya nalaman ang tungkol sa istorya ng buhay ni Sky. Nakakalungkot na hindi niya nalaman iyon noon Hindi niya maiwasang malungkot dahil pakiramdam niya, hindi niya nabigyan ng tamang pagmamahal si Sky but after meeting with her personally, he knew that Sky was also letting him go.

Ang sabi sa kanila ni Attorney Fabregas, hindi naman magtatagal si Sky sa kulungan. Hindi na sila ang sampa ng kaso, dahil alam niyang hindi na iyon deserve ni Sky. What she needed was a new life at alam niyang magsisimula ito kahit wala na siya.

Anu't ano pa man ang mangyayari, nagpapasalamat siya sa dating nobya at hinahangad niyang maging masaya ito. Afterall, she will always be a huge part of his life and a part of his heart will forever be with her.

On the otherhand, the gold which was actually the reason of everything that has happened between him and Kitty was again buried. Ikinuwento sa kanya ni Kitty ang mga pangyayari mula sa araw nang demolisyon at nagdesisyon sila na ibalik nalang ang ginto sa kweba a bundok balatbat, dahil ani ng dalaga, mas mabuting hayaan nalang na tahimik na manatili doon ang ginto. Alam niya, kahit hindi sabihin ni Kitty, sinisisi nito ang sarili nito sa mga nangyari sa kanila, lalong lalo na sa kanya dahil sa gintong iyon.

Ngunit kailanman, hindi siya sinisisi si Kitty. Things happened because there was a good reason behind it. Kagaya ng nangyaring pagpapalit ng kanilang mga katawan noon.

Months later, nang maayos na ang lagay ng pamilya ni Kitty—nilipat niya ang mga ito sa isang bahay sa isang subdibisyon na lubos na tinutulan ng dalaga noong una—ay nagpropose na siya dito sa harap mismo ng pamilya nito.

Naisip niya, matapos ang lahat ng pinagdaanan nila ni Kitty bakit patatagalin pa niya ang kasal kung alam niyang doon lamang din sila hahantong? They haven't told each other about their true feelings, but he knew—they just knew it without words. At para sa kanya, ang pagpayag ni Kitty na magpakasal sa kanya ang pinakamatibay na patunay ng pagmamahal nito sa kanya.

The magic brought by the hidden spring turned their lives upside down and the exchanged of their bodies led them to this day. To this beautiful magical day.

Hindi alam ni Husky na posible palang maramdaman ng isang tao ang pagmamahal na kasingtindi ng nararamdaman niya para kay Kitty. Alam niyang mahal niya ang dalaga noon ngunit masyado kang siyang nagsayang ng oras para aminin iyon sa kanyang sarili. And now, looking at her walking towards him, wearing that white dress made him realize how much he loves her. He started tearing up all of a sudden. Pakiramdam niya, nang mga oras na iyon, hindi sapat ang mga ngiti para ipahiwatig kung gaano siya kasaya.

Habang papalapit sa kanya si Kitty, parang nagkaroon ng flash back sa mga pagkakatong magkasama sila.Sinong mag-akaala na silag dalawa, na palaging nagbabangayan ay makakarating sa simbahan? Sinong mag-aakala na silang dalawa ni Kitty na parang makaibang mundo ay magiging isa na?

He had seen her in her worse and her best and vice versa. Kapag magkasama silang dalawa, hindi nila kailangang magkunwari sa harap ng isa't isa. They had the imperfectly perfect relationship and they are making it official today. At walang duda, masasabi niyang ang araw na yatang ito ang pinakamasayang araw ng buhay niya.

He realized that falling for kitty was like bunjee from the tallest building without any harness. Alam niyang delikado at maaari siyang masaktan dahil wala iyong kasiguruhan pero tumalon siya ng walang pagaalinlangan dahil alam niyang ang dalaga ang makapagpapasaya sa kanya.

Hindi ba't iyon mismo ang nakita niya bago siya tuluyang dumilat noong nasa ospital siya? Kitty was the one who brought him back to where he truly belong—it was with her.

Nang tuluyan nang makalapit si Kitty sa kanya, nakita niya ang mga luha sa mga mata nito. Tila ba pareho sila nang iniisip ng dalaga. Nakaupo na silang dalawa ni kitty nang bumulong ito sa kanya.

"Ganitong ganito ang itsura nung spring," anito sa kanya. Ginanap ang kasal nila sa Hidden Valley, dahil saan pa nga ba nila dapat iyon iselebra kundi sa pinakaimportanteng lugar para sa kanila, hindi ba? Alam niyang imposibleng makita na nila muli ang spring kaya naman inayos niya ang isa sa mga bukal doon para maging kamukha ng kagaya ng deskripsyon nito. Nagpagagawa siya ng isang makeshift stage sa gitna mismo ng isang bukal. Pinayagan iyon ni Sir Fernando. "ang galing. Parang magic," dagdag pa ng dalaga.

Hinawakan niya ang kamay nito. "No, kitty. Wala dyan ang magic. Nasa tabi ko."

Pakiramdam ni Husky lumutang ang kanyang buong pagkatao nang ngumiti sa kanya ang dalaga habang matamang nakatitig ang mga mata nito sa kanya. True, maaaring hindi siya naniniwala sa mahika...noon. But he and kitty are the living proof that magic can really happen in real life.

For him, the magic was disguised into a curse at first, but then they got through it and now they are living with it.

"Sinabi ko na ba sa'yong mahal na mahal kita?" bulong niya kay Kitty.

Marahang umiling ito. "kailangan pa ba?"

Malapad siyang ngumiti. "Masyado kang confident."

"Dahil ramdam ko at walang kahit anong salitang kayang tumumbas kung gaano ko nararamdaman iyon, Husky."

Pinisil niya ang ilong nitong natatakpan ng belo. "At sapat na rin sa'kin na hahayaan mo akong makasama ka buong buhay mo para patunayan sa'yo kung gaano kita kamahal."

Until the very end, Husky couldn't believe how Kitty's eyes were embedded into him. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa salita kung gaano niya ito kamahal. It felt like magic.

At ang mahikang nangyari sa kanilang dalawa ni Kitty ay higit pa sa kahit anong gintong nakabaon sa lupa. Higit na mas makapangyarihan sa mga ada. At kayang alpasan ang kahit anong sumpa.

That magic is called love.

And no one, not even a fairy or a curse can ever take away their golden love for each other.

THE END

--


THANK YOU SO MUCH FOR READING TIL THE END!

SANA NAGUSTUHAN NINYO ANG KWENTO NI HUSKY AT KITTY. 

BROWSE MY PAGE FOR MORE STORIES! 

<3

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now