CHAPTER TEN

327 28 0
                                    

HABANG NASA daan sila pabalik sa Maynila panay ang pagkamot ni Husky sa batok at likod nito... o mas tamang sabihin na batok niya. Hindi rin ito mapakali sa suot nito at alam ni Kitty na kung hindi lang siguro siya okupado at nag-aalala ay kung ano-ano na ang sinabi ng binata sa kanya.

Hindi kasi niya ito pinayagang magpalit ng damit o maligo man lang dahil ang isipin palang na makikita ni Husky ang katawan niya ay parang sapat na para himatayin isya. Ang tangi lamang niyang pinagyagang gawin nito ay maghilamos at tinali niya ang kanyang buhok sa paraang hindi ito makakasagabal sa binata. Nagsuot din ito ng pantalon na ipinatong nito sa shorts na suot niya.

Samatalang siya, nagpalit siya ng T-shirt at nagsuot ng pantalon matapos niyang magpunas ng nakapikit. Ayaw niyang tingnan ang katawan ng binata at bahagya lamang niyang pinadaan ng labakara iyon.

Dahil sa kanilang dalawa ni Husky ay ito lamang marunong magmaneho ay ito parin ang nakaupo sa likod ng manibela—kahit pa sabihing nagkapalit sila ng katawan. Katawan lang ang nagpalit sa kanila, ngunit ang kaaalaman, memorya at skills ay kanya kanya pa rin sila.

At sa isiping iyon, bigla siyang nag-alala. Hindi siya ang haharap sa kanyang pamilya kundi si Husky na nasa katawan niya. "Kailangan nating pag-usapan ang mga mangyayari mamaya."

Sinulyapan lamang siya ni Husky kaya naman nagpatuloy siya. "kailangan ako ng pamilya ko, kaya kailangan din kita. Hindi ako pwedeng humarap sa kanila bilang ikaw dahil malamang, hindi maniniwala yung mga iyon kahit pa ipaliwanag natin ito. Isa pa, hindi mapapalagay ang mga kapatid ko kung hindi nila ako makikita..." Sinulyapan niya ang binata nang nakikiusap. "Kailangan kitang manatili sa ospital para gumanap bilang ako."

Muli, isang sulyap lamang ang isinagot ni husky sa kanya. Alam niya, kailangan na niyang lunukin ang pride dahil masyado nang magulo ang mga nangyayari sa kanila. At kung iisipin, karamihan sa mga iyon ay kasalanan niya. Kaya naman kahit ayaw niya, alam niyang kailangan niyang humingi ng tawad dito. Alam naman niya kung kailan siya mali at sumusobra. Kaya naman, nakabuo siya ng desiyon."Alam kong napakalaking abala nang mga nangyayari sa'tin. Alam kong ang hirap ding paniwalaan at sobrang gulo dahil kahit ako, naguguluhan pero humihingi ako ng tawad sayo. Huli na ito, pangako. Kapag naayos na ang lagay kapatid ko sa ospital, pupunta tayo kay Don Aguinaldo at sasabihin nating iuurong na natin ang paghahanap sag into. Tapos saka tayo hahanap ng solusyon sa problema natin."

Alam niyang napakalaking pagkakataon ang pakakawalan niya. Pero kung ganito naman kakomplikado ang lahat, parang ayaw na niya. Mas gugustuhin nalang niyang rumaket sa mga bar at kumanta kaysa ipagpatuloy ito. Bumalik lang sila ni Husky sa normal, hindi na niya tatangkain pang kunin ang ginto ni Antonio Castro the first.

"May sarili rin akong buhay, Kitty." Gulat siyang napalingon nang magsalita si Husky. Kumamot ito bago muling nagsalita, ngunit hindi nakatingin sa kanya. "Kung kailangan mo ako, as much as I hate to admit it, kailangan din kita para gumanap bilang ako."

Nang sa wakas ay nilingon na siya nito ay hindi ang sarili niya ang nakita niya kundi si Huksy mismo. Ewan niya, parang napaka impossible kung iisipin pero parnag sobrang lakas ng katauhan ni Husky na kaya nitong ipakita ang sarili nito kahit na nasa ibang katawan pa ito.

"First we need to make a plan. Like kung paano tayo haharap mamaya sa pamilya mo. Kung anong magiging set up natin na sa palagay ko ay hindi magiging ganoon kasimple." Huminto ito sa isang stop light. "Hindi tayo pwedeng malayo sa isa't isa dahil kailangan natin ang isa't isa, tama ba?"

Natagpuan ni Kitty ang sarili na tumatango sa sinabi ni Husky. "Sa tingin ko, kailangan ko munang malaman ang basics information about sa family mo. Since makakahrap ko sila mamaya. Anu-ano ang pangalan ng mga kapatid mo?"

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now