CHAPTER ONE

799 32 0
                                    

UMAGA palang, punong puno na ng nakabibinging ingay ang compound na tinitirhan ni Catalina Tiana "Kitty" Castro. Mabuti sana kung kaigaya-igayang ingay ang naririnig niya, pero hindi eh. Sinasabayan kasi ng mga magulang niya ang sigawang nagaganap sa labas. Gusto yatang makipagtaasan ng boses.

Bumangon si Kitty mula papag na hinihigaan para sagutin ang tawag ng kalikasan. Napaismid siya. Bago kasi siya makapunta sa banyo nila ay kailangan din niyang daanan ang mga magulang niyang inaalmusal na yata ang pag-aaway. Binalewala niya ang mga ito at dumaan sa maliit nilang kusina na tatlong hakbang lang ang layo sa lahat ng parte ng kanilang bahay.

Tatlong hakbang, nasa banyo ka na. Tatlong hakbang nasa sala ka na. Tatlong hakbang nasa hagdan ka na papunta sa ikalawang palapag kung saan nakalagatag ang papag na tinutulugan nilang anim na magkakapatid na magkakatabi.

Dumiretso siya sa banyo at nilabas ang inipon na fluid ng kanyang katawan sa buong magdamag saka siya naghilamos at nagmumog. Paglabas niya, tuloy parin ang bangayan ng mga magulang.

Ang latest issue? Sabong.

Sanay na silang magkakapatid sa araw-araw na pagaaway ng kanyang mga magulang, dahil kinalakihan na nila iyon. Mas normal pa nga iyon kaysa makita nilang ayos ang mga ito at hindi nagbabangayan.

Iyon nga lang, parang maririndi ang kanyang tainga sa liit ng mga bagay na pinagaawayan ng mga ito. Minsan walang katuturan. Minsan tungkol sa sugal, sa pambabae, mahjong at kung anu-ano pang dahilan. Naisip nga ni Kitty na malamang, gumagawa nalang ng issue ang isa't isa para may dahilan ang mga ito para mag-away.

"Walang hiya ka! Ni-hindi ka nga marunong mag-alaga ng manok tapos makikipagsabong ka!" sigaw ng nanay niyang si Luzviminda sa tatay niya. Nasa kusina na siya at nagtitimpla ng kanyang kape.

"Bakit? Kapag nanalo naman ang manok ko, malaki ang maiuuwi ko!" Balik sigaw ng kanyang amang si Antonio Castro the third. Tunog mayaman ang apelido nila, hindi nga lang niya alam kung saan napunta ang yaman na iyon dahil mukhang drawing nalang iyon.

"Malaki ang maiuuwi! Paano mo nga aalagan kung wala ka namang alam alagaan kung hindi ang itlog mong hindi naman maputi!"

Sa narinig, hindi sinasadyang naibuga ni Kitty ang ininom na kape. Yuck! Nilingon siya ng mga magulang ngunit kumumpas siya ng kamay—para bigyan ang mga ito ng permiso na ipagpatuloy ang word war ng mga ito.

Umismid ang kanyang ina samantalang natahimik ang kanyang ama. Alam niyang nahihiya ang mga ito sa kanya dahil siya ang nagsisilbing bread winner ng kanilang pamilya. Bagaman hindi siya nakatapos ng pag-aaral, sa kung anu-anong raket niyang kinukuha ang perang naiuuwi niya.

It was one thing she is always proud of, hindi man siya nakatapos ng pag-aaral, consistent na honor student naman siya mula elementary hanggang highschool. So, hindi naman siya ganoon ka bopols nung mag-aral siya ng theater arts sa kolehiyo. Iyon nga lang, hanggang second year lang ang inabot niya dahil nang makatuntong siya ng legal na edad, mas ginusto nalang niyag magtrabaho kaysa mag-aral. May lima pa siyang kailangan pag-aralin eh.

Kumikita naman ang mga magulang niya, ang nanay niya bilang manikurista at numero unong chismosa sa Paraiso Compound samantalang ang tatay niya ay isang tricycle driver, pero parehong alam niya na hindi sasapat ang mga kinikita ng mga ito. Hindi naman niya hinihingi iyon dahil alam niyang itinatago ng mga ito iyon para sa bisyo. At kung magbibigay man sila, sapat lang para sa isang linggong pampandesal ng buong pamilya.

Kaya suma total, nasa kanya ang lahat ng responsibilidad ng pamilya Castro.

Naramdaman ni kitty ang kalam ng kanyang sikmura nang maisip niya ang pandesal.Dinukot niya ang beinte pesos na sobra mula sa pamasahe niya noong nagdaang gabi mula sa isang raket sa bar. Regular siyang kumakanta sa Club Sunday kung saan ang may-ari ay dati niyang propesor sa kolehiyo. Bukod doon, may ilang session din siya sa ibang mga bar na siyang pinagkakakitaan niya.

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن