CHAPTER FOUR

453 26 0
                                    



MASAMA ang loob ni Kitty nang bumaba siya ng taxi na sinasakyan niya. Dahil walang pumapasok na jeep o tricycle sa exclusive subdivision na iyon, napilitan siyang magtaxi. Pero hindi pa yata umaabot ng tatlong kilometro ang tinakbo nila ay kinakailan na niyang bumaba ng taxi dahil may isa pa palang gate sa loob mismo ng subdibisyon para sa mas mga eksklusibong mga homeowners.

"Asar," hindi niya mapilang sambit. Pagkalayo layo naman pala ng bahay ng Don Aguinaldo Aquino na ito.

Ayaw man ni Kitty, pumayag siya sa gusto ng abogado na makipagkita siya sa bahay mismo ng Don para alamin at maipaliwang nitong maigi ang "misyon" na gagawin niya para sa last will nito. Ayaw niya sa mga mayayaman, totoo iyon, pero kung ang mayaman naman na iyon ay bibigyan siya ng limpak-limpak na salapi, sige push!

Tutal, pangungunswelo niya sa kanyang sarili, kaibigan naman daw ng lolo niya sa tuhod ang matanda at hindi na rin naman siguro sila iba dahil naging magkasama ang mga ito sa laban nito sa giyera. At dahil apo siya ni Antonio Castro, mana-mana lang ang pagiging close.

Pero sa totoong usapan, pumayag siya sa gusto ng abogado dahil iniisip niya ang perang maaari niyang makuha doon. Subok lang, baka sakaling totoo. Malay naman ba niya kung nagpopower trip lang ang matanda, hindi ba? Wala namang mawawala sa kanya, pero magkakaroon siya kung totoo nga.

Ayon kay Attorney Fabregas, isang anak o apo ang kailangan ng matanda para sa "misyon" na iyon. Dahil sumalangit nawa na ang kanyang mga lolo, ang papa niya ang hinahanap ito. Pero hindi niya pwedeng ipagkatiwala sa ama ang misyon na iyon dahil bukod sa duda siya kung gagawin nga iyon ng ama, ayaw niyang mapunta dito ang pera. Malamang sa malamang, imbis na ipang-tuition ng mga kapatid niya, lahat iyon ay mapupunta sa manok nito.

Kaya kusa siyang nagvolunteer para gawin ang trabahong iyon. Katunayan, naisip na nga niya ang gusto niyang gawin kapag nakuha na niya ang perang ipagkakaloob ni Don Aguinaldo. Gagamitin niya iyon para mag-Japan at para sa pag-aaral ng mga kapatid niya.

"Push lang," aniya sa kanyang sarili habang naglalakad sa gitna ng mga naglalakihang bahay sa loob ng subdibisyong iyon. Kung kanina, fresh pa siya, ngayon mas fresh pa yata ang isda sa palengke kaysa sa kanya.

Naiistress na siya dahil bukod sa malalaki ang mga bahay doon, magkakalayo pa. Kaya naman bago niya makita ang numero ng bawat isa na nakapaskil sa mga naglalakihan ding gate ay kailangan muna yata niyang maglakad ng ilang kilometro.

Number 15, Emerald street, iyon ang specific address ng hinahanap niya. Nang matanaw niya ang emerald street, nabuhayan siya ng pag-asa! Pero nang makita niya kung gaano kahaba ang emerald street, parang gusto na yata niyang umatras. Parang isang buong kilometro pa ang kailangan niyang lakbayin.

Pero, naisip niya. Ilang bahay lang naman ang nasa emerald street. Kung fighting spirit lang din naman siguro ang pag-uusapan, marami siyang baon. Kaya naman, gamit ang payong na pananggalang niya sa araw, tanghaling tapat iyon, ay inumpisahan na niyang isa-isahin ang mga bahay.

Gusto niyang tumalon sa saya nang sa wakas ay ansa tapat na siya ng gate ng Number 15 na bahay. It was Don Aguinaldo's house. Mabilis siyang nagdoorbell dahil pakiramdam niya, anumang oras, bibigay na ang tuhod niya sa sobrang pagod at panlalata. Sa layo ba naman ng nilakad niya sa kainitan ng araw?

Nang may magbukas ng gate ay nakita niya ang isang unipormadong maid.

Pagkatapos niyon, biglang nagdilim ang buong paligid niya.

HUSKY was feeling refreshed that morning he was driving to Don Aguinaldo's house. Pumayag siya sa tanggapin ang misyon na ibibigay nito dahil sa dalawang bagay. Unang una, he wanted the money. It's a given dahil sino ba naman ang aayaw sa perang ibibigay ng isang matanda, tuparin mo lang ang kanyang last wish, hidni ba? At pangalawa, he wanted to get closer to what his great grand father experience before. Sa tuwing maririnig kasi niya ang mga kwento nito noon, gusto niyang hilingin na sana ay isa siya sa mga gerilla. Alam niyang imposible iyon, pero at least, mababalikan niya ang mga lugar kung saan minsang tumapak, nagtago at tumakbo ang lolo niya. It would be surreal he wanted some surreal adventure.

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now