CHAPTER NINETEEN

304 27 0
                                    


SA ISANG restaurant nagkita sina Kitty at Husky nang umagang iyon. Para kay Kitty, himala pa nga yata na nakatakas siya sa lagim ni Sky dahil matapos nilang makabalik mula sa ospital, parang gusto pa yata ng nobya ni Husky na sa bahay nito siya tumira.

Tumanggi siya, naturalmente. Kung siya siguro si Husky, hindi siya tatanggi sa alok ng babae, pero hindi siya si Husky at ang kahit anong paglalapit nila nito ay nagdadala ng kakaibang windang sa kanyag sa kanyang mundo. Paano kung biglang mag-yaya na naman si Sky nang ano...hindi niya alam kung paano pa tatanggihan ang babae.

Isa pa, maari siyang mabuko ni Sky kung magtatagal pa sila na magkasama. May mga pagkakataon kasi na bigla nalang magtatanong sa kanya si Sky ng kung ano, ngunit hindi niya magawang sumagot dito. Alam niyang nagtataka na ito, ngunit wala naman itong sinasabing kahit ano.

Pero matalino si Sky, anumang oras maaring mahuli sila nito. Kung mangyayari iyon, maniniwala naman kaya ang babae sa ikukwento nila? Maniniwala ba ito sa ada at mahiwagang bukal? Malamang, magmumukha lamang silang mga tanga ni Husky.

"So?" Tanong niya kay Husky. "Okay na ba yang braso ko?" Ipinagpapasalamat niyang wala sila sa isang mamahaling restaurant.

"You'll be fine, ang sabi ng doktor, may dalawang linggo lang at tatanggalin na ito." Sagot ni Husky sa kanya. "Paano ka nakatakas kay Sky?"

"May pasok siya ngayon diba?" Hindi nito alam kung anong torture ang sabado at linggo para sa kanya. Naisip na rin niyang ikwento kay Husky ang tungkol sa madalas na pagtatanong ni Sky tungkol sa ginto na gusto na niyang pagdudahan ngunit itinikom niya ang bibig. Malay ba naman niya kung anong gagawin ng dalawa sa ginto kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ni Sky na makuha rin iyon. "Kamusta na ang mga kapatid ko?"

"They're all fine, Kitty. Wag kang mag-alala hindi ko sila pinababayaan. Anyway, I want something," may nilabas ito sa bulsa nito. "Let's exchange our phones now."

Tiningnan niya ang kanyang cellphone na inilabas ni Husky. Wala sa loob na inilabas niya ang cell phone ng binata. Biglang nagflash sa isip niya ang mag litrato niya roon ngunit hindi an siya umimik. Baka kasi kung ano nalang ang isipin ni Husky.

"Kailangan na nating planuhin kung kailan tayo pupunta sa laguna," sabi ng binata sa kanya. "We should get our alibies straight, dahil hindi na tatalab kay Sky ang anumang dahilan na may kinalaman sa'yo—sa'kin."

Umismid siya. "Ang tinik ng bantay mo."

"I'm sorry," biglang sabi ni Husky sa kanya. "I'm sorry about Sky. Just bear with her for a while, kailangan muna nating problemahin kung paano tayo makakabalik sa katawan natin."

Tapos kapag nakabalik natyo, pakakasalan mo na siya? Anang isang atribidang bahagi ng kanyang isip. aalis ka na, ganoon?

May naalala siya. "ano palang plano natin sa ginto?"

Nakita niyang nag-isip muna si Husky bago sumagot sa kanya. "Do you have anything to do with it?" nasabi na sa kanya ni Husky na nasa posesyon nito ang ginto. "Yung mga plano mo, gusto mo na bang gawin natin ngayong nakuha na natin ang ginto?"

Hindi alam ni Kitty kung anong isasagot. Parang lahat ng mga naunang plano niya bago kunin ang ginto ay biglang naglaho. "Huwag muna siguro sa ngayon, tapusin muna natin ang unang problema natin."

Tumango sa kanya si Husky at ikinagulat niya ang biglang paghawak nito ng kamay niya. "This is the last straw, Kitty. We'll get through this somehow. We'll get through this together."

Tiningnan niya nag magkahugpong nilang mga kamay. Kapag ba nawala na ang sumpa sa kanila, magiging maayos pa kaya ang buhay niya Kapag ba nagnakabalik na sila ni Husky sa mga katawna nila, magkukrus pa kaya ang mga landas nila? Magkakaroon pa kaya siya ng tsansa para makita ito? At mahawakan ang kamay nito kagaya ngayon?

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now