CHAPTER FOURTEEN

327 28 0
                                    


DON AGUINALDO was crying in front of Narcissa Herrera's grave. Pero ramdam ni Kitty na hindi luha ng kalungkutan ang mga iyon kundi ng kasiyahan na sa wakas ay muli nitong nakapiling ang tanging babaeng minamahal nito.

Matapos ang naging paguusap nila noong isang araw nina sir Fernando ay agad nilang naisayos ang pagkikita ng dalawa. Nang makapag-usap ay mabilis din ang naging mga hakbang ni Don Aguinaldo para puntahan ang puntod ni Narcissa.

Habang nasa daan sila kanina, naisip niya, parang naging napakadali ng mga pangyayari ng dumating sila sa resort na iyon. Parang sinadyang magpunta sila doon at matagpuan ang hinahanap nila. Well, may exception pala sa madaling iyon—ang pagkakapalit nila ni Husky ng katawan.

But come to think of it, parang biglang naging mabilis ang pangyayari sa paghahanap nila matapos ang nangyaring paghiling niya sa spring ay parang naging mas maayos at madali ang mga nangyari sa kanila ni Husky. Pinagtagni-tangni niya sa kanyang isip at hindi maiwasang isipin na baka nga ito ang katuparn ng mga hiling niya mula sa spring. Na baka dahil sa hiling na iyon, ibinigay ng ada ang kagustuhan niya. At dahil doon, naiwasan nila ang paghahanap sa munisipyo, nakausap nila si sir Fernando at ngayon nga ay heto, kasama nila si Don Aguinaldo.

Muli niyang itinutok ang kanyang tingin sa matanda. Umiiyak parin ito at dinig na dinig nila ang bawat hagulgol nito. Hindi niya alam kung paano ilalarawan ang nararamdaman ni Don Aguinaldo ngayon dahil hindi inaasahan ni Kitty na possible pala ang ganoong pagmamahal para sa dalwang tao. Yung klase ng pagmamahal na totoo at hanggang sa kamatayan. Kitang kita niya iyon ngayon kay Don Aguinaldo. Kahit kasi hindi nagkatuluyan ang dalawa at binigyan lamang ng kakaunting panahon para magsama noon, walang nagawa ang lahat ng bagay na iyon para magmaliw ang pag-ibig ng dalawa para sa isa't isa.

Pag-ibig. Isang kakatwang salita para kay Kitty. Sinong magsasabi na darating ang panahon kung saan tatanungin niya ang kanyang sarili kung maaari nga ba niyag maramdaman o maranasan ang pag-ibig na kagaya ng kay Don Aguinaldo at kay Narcissa Herrera? Hindi ba't buo na ang desisyon niya noon na tumandang dalaga para sa mga kapatid niya? Pero heto, naiisip niya, paano kaya kung may isang taong kaya siyang mahalin kagaya ng pagmamahal ni Don Aguinaldo? Anong klaseng pakiramdam kaya iyon?

Alam niyang hindi dapat siya nag-iisip ng mga ganoong bagay, ngunit paulit ulit na sumasalit iyon sa isip niya. At isang tao ang gusto niyang sisihin nang dahil doon—si Husky.

Hindi niya alam kung bakit biglang nag-iiba ang nalang ang tingin niya sa binata. Hindi iyon maganda at lalong hindi niya gusto. Ngunit habang lalo niyang itinatanggi iyon, parang lalo iyong nagiging mas makapangyarihan iyon kaysa sa isip niya.

Ayaw niyang isipin pero, posible kayang nahuhulog na nag loob niya kay Husky?

Pero impossible eh.

Unang una, hindi niya gusto ang binata. Kung may bibigyan ng personipikasyon ang isang taong ayaw niya, si Husky iyon. He was everything she didn't want in her life. Pangalawa, may nobya si Husky na gusto nitong pakasalan. Kung bibigyan man niya ng posibilidad nag nararamdaman niyang ito, alam niyang wala rin iyong patutunguhan.

Pero naisip niya, hindi naman siya sigurado kung gusto na nga niya si Husky dahil kahit kailan, hindi naman niya naranasan ang magkagusto kahit kanino o maging malapit sa isang lalaki sa isang romatikong paraan. She had always been so focused on her priorites na wala siyang panahon para sa pakikipagrelasyon.

Hanggang sa dumating si Husky sa buhay niya at nagkapalit silang dalawa ng katawan.

Sinulyapan niya si Husky an noong oras na iyon, nakatingin din sa kanya. Ang weird sa pakiramdam na makipagtitigan sa sarili niyang mukha pero mabilis ang tibok ng kanyang puso. Ewan ba niya, bakit ba ganoon nalang ang naging takbo ng sitwasyon nila? Parang ang unfair sa kanya dahil marami na nga siyang problema, heto, dinaragdagan pa ng isa.

Hidden Desire Book 3: Gold-en-Love [ COMPLETE ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon