Pasimpleng napabalik ang tingin ko sa kanilang dalawang nagtatalo roon, Minther shook his head in confusion while chuckling. Nagtawanan ang dalawang kumag.

She likes him? Nagpitas-pitas ba siya ng petals, she likes me, she likes me not? At ang huling petal ay she likes him?

Tangina, lakas mangarap ng mga 'to. Mga wala namang future! And I don't think she'll like boys this age? Ang mga babae ngayon ay mahilig sa mga kalapit na edad lamang dahil ayaw nilang masabihan na may sugar daddy kapag lumagpas ng limang taon ang agwat.

Just heard it from my thirteen years old cousin, she has this senior crush in their school. Umiiyak siya noong nakaraan dahil aalis na raw iyon at hindi na niya makikita. Pumalatak ang isa ko pang pinsan tungkol sa sugar daddies, kapag lumampas na raw ng limang taong agwat ay matatawag na ganoon.

Ang babaw ng mga kabataan ngayon. Pati edad ay problema. Damn, age does not matter even a bit for me! I can like girls, younger or older! Kahit Nanay na ay pwedeng magustuhan, wala naman kasing pinipili ang apeksyon sa oras na tamaan tayo kaya hindi talaga ako nangangarap masyado dahil kusa akong tatamaan noon at walang magiging angal pa!

"Doon nalang kayo sa tiyahin na artista." natatawang pakikisali ni Elos nang makalabas mula sa ilalim ng sasakyan.

Nabahiran ng grasa ang kanyang puting t-shirt kaya nagmukhang madungis. Nagtawanan sila, ngumisi ako at napatango bilang pagsang-ayon.

"Oo, mas mabuti pa. At least, malapit sa mga edad niyo." halakhak ko.

Masyado pang bata si Amaryllis para sa mga kaibigan ko at paniguradong masusuya ako kung sakali dahil kapatid na ang turing ko sa mga Barcelo. And Dianella is a beautiful lady, hindi na masama para sa mga ito. Mas bagay na sa kanila kesa sa mas batang-bata!

"Dianella Monseratte?" ani Minther.

"Dude, you can't. You're already reserved for someone rich girl." tawa ni Bronson. "Divorced muna bago landi sa iba."

"May sinabi ba ako?" Minther asked.

Humalakhak ako at inakbayan si Minther, napailing siya habang nilalagok ang bote ng Sprite.

"Ayaw ko, mas gusto ko si Fab. I'll wait her until she turned legal." Bronson laughed and glanced at the three girls again.

Kinuyom ko ang aking kamao habang nakangisi parin at nakikinig lamang. This pervert Bronson is testing me, huh?

Napailing si Elos.

"Mom wants her for Primo. Kinukulit na niya ang mga Barcelo para riyan."

"What? Just like Legaspis?" laglag pangang sambit ni Zarjiel.

Hindi ko alam ang bagay na iyon. Huminga ako ng malalim, marahan kong minasahe ang aking isang kamao habang bukas ang tainga sa pakikinig. Wala akong alam sa ganoong pagkakasundo sa dalawa, masyado pa silang mga bata para ipagkasundo pero alam kong hindi malabo kapag ginusto ni Mommy na mukhang sasang-ayunan din naman ng mga Barcelo.

"What? No! They're just thirteen!" agad iling ni Bronson. "Hindi na uso ang arrangements sa taong ito!"

"Still, not impossible for them." halakhak ni Elos.

"Primo isn't up for that." I said raspily.

"They'll like each other eventually. Hindi naman imposible." Elos smirked.

"Primo doesn't like high maintenanced childish girls." muli kong balik sa aking kapatid.

Primiel is the most perfect black sheep in the family. Kahit itim ay tinuturing na ginto sa aming pamilya, I don't know if he's just the favorite one but once he opened mouth for something is beyond reasonable! Nakikita at naririnig ko naman na tama ang lahat ng kanyang nasasabi kaya hindi ako kailanman nagreklamo o tumutol.

Villareal #2: Burning FlowersOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz