Chapter 33

102K 3.2K 919
                                    

Dedicated to all road and wkwkwk.

Chapter 33
Burning Flowers


I decided to act normal as the days passed, hindi ko rin sinabi kay Mommy ang nangyaring iyon dahil ayaw ko nang makipag argumento pa siya sa ginawang pananakit ni Auntie. Hindi naman ako nasasaktan dahil sinaktan niya ako, nasasaktan ako dahil sa kanyang mga sinabi na kailanman ay hindi ko naisip na matatanggap ko mula sa kanya.

All my life I see Auntie Dianella as my role model, kami ni Amrose ay nangangarap na maging katulad niya balang-araw. Sa aming dalawa ni Amrose ay mas iniidolo ko pa si Auntie, siya kasi ang dahilan kung bakit ako maagang nag-isip dalaga. Siya ang modelo ko kung paano maging maayos at karespe-respeto sa lahat.

I respected her so much like a big sister, she became our best Auntie because she's always spoiling us. Ang sabi niya pa ay hindi na niya kailangang mag-asawa at magkaanak dahil narito naman kami ni Rose.

Sa mga nangyari at pangyayari ay nawawalan ako ng gana, I am so disappointed to myself. Baka sumobra na ako, baka hindi ko dapat ginawa iyon dahil hindi tama at nakakabastos. She's years older than me and yet I told her disrespectful things. Maybe, I should have remained silent and just listened to her.

"My baby is in a deep sea again, hmn?" Elexius' soft lips touched my temple as his arms enveloped my tiny waist.

Tanghali noon ay nagpaalam ako kay Mommy na tutungo lang sa isang kaibigan. She asked me things, the name and the place but I just answered "Liberty Villareal" yes, I lied a bit. Well, not really because I really went out with Liberty for lunch, pero hindi naman nagtagal dahil may kikitain din siya kaya naiwan ako sa mall at nagpasundo lang kay Elexius.

Huminga ako ng malalim at tumayo, nanatili siyang nakaupo sa sofa. Humarap ako sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok, I combed it with my fingers upward to see his face clearly. Pinadausdos ko ang aking palad patungo sa kanyang pangang mayroon ng maliliit at nakakakiliting balbas.

"I have a notice, El..." I sighed morosely while looking at his face with too much admiration.

I just got a notice from Chita earlier this day. It really saddened my day because of that. Si Elexius ang aking unang naisip, he made me happy while staying here. He made my day so fine and floating.

His brows furrowed, malamig ang naging pag-angat ng tingin niya sa akin. I smiled a bit tired, I took his hand and placed it on my waist. Hinawak ko ang dalawang kamay sa kanyang magkabilang balikat.

"I'm going back to Abuela, kailangan ko nang bumalik sa Lunes." nahihiya kong sinabi.

Pumikit ang kanyang mga mata at bahagyang niyuko ang ulo sa aking puson. He sighed heavily and hugged my waist tight. My heart crumpled firmly, ramdam ko ang kanyang pagpoprotesta na hindi isinasaboses.

"I'm sorry..." I said in a tiny voice while caressing his soft hair.

"I fucking don't know what to say..." umiling siya habang ganoon parin ang higpit ng yakap sa aking baywang.

"I'm gonna miss you real bad." he grumbled on my tummy.

Ngumuso ako para magpigil ng emosyon. My eyes nictated, huminga ako ng malalim at niyakap din siya ng mahigpit.

"I'll miss you, too." I said wistfully. "Madali lang iyon, El. Don't be like this, I want a happy day with you..."

Suminghap siya at tipid na tumango, parang alipin sa lahat ng aking kagustuhan. Sobrang lungkot, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko oras na makabalik na sa probinsya, maaaring may magbago na naman dahil sa kinasayan ko ang presensya ni Elexius sa paligid.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon