Chapter 25

101K 3.8K 1.2K
                                    

Credits sa nag imbento ng words and everything! "Insecurity will make you look askal craving for dog food. Bark!"



Chapter 25
Burning Flowers

I seated in the middle, there's a couch for me. Doon lamang ako hinatid ni Primo at tumungo siya kung nasaan ang kanyang pamilya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo roon.

"Ladies and gentlemen. May we have your attention please. We will begin in a few minutes. So please, be seated and make yourselves comfortable." Emcee said.

Nagsiupuan ang mga bisita nang sabihin iyon. Isang emcee ang nasa gilid upang maghost sa party na ito at ipakilala ako. I just waved my hand a little and smiled, parang tuod ang labi ko sa pagkapeke ng bawat kilos.

Nakakatawa talaga na kabado ako at naging peke bigla dahil lang nasiguro kong nasa iisang lugar kami ngayon, he's invited! Ano pa bang aasahan ko? Hindi naman siguro siya bitter para hindi magpunta ngayong gabi, hindi ba?

I puckered my lips, nagdadry iyon sa hindi malamang dahilan. Lumunok ako at binasa ng dila ang labi. ©

"Good evening, ladies and gentlemen. I hope you are in a very great mood tonight. I am, Dave, will be hosting tonight's party with one of the debutant's cousin, Miss Amrose Alcantara." nakangiting pakilala ng bading na emcee.

Nailingon ko ang aking ulo kung saan lalabas si Amrose, I didn't expect that! She was all smiles as she went out. Lumapit siya sa emcee para tumayo sa harapan ng isang mikropono pang nakahanda. Awang ang labi ko habang nakatingin at nanunuod sa bawat pangyagari.

She looks so fine wearing a half mask on her face, isang puting damit na fit ang kanyang kasuotan na may mga palamuti sa dulo. Her lips were in a very wide smile like nothing really happened... Like she can remember me tonight even without glancing.

"Magandang gabi sa inyong lahat, welcome to the most awaited party in celebration of Fiore Barcelo's birthday and debut." she greeted everyone.

I inhaled deeply while looking at her. Kung dati ay hindi ko nakikita si Amrose na nakasuot ng dress na maikli at humuhubog ang kanyang katawan, ngayon ay tuluyan iyong nagbago. Hindi ko sure kung para sa ikabubuti o para sa pagbabago ng taste lamang.

Marahan siyang lumingon sa aking gawi, hindi ako nagreact. Nanatili lang ako sa posisyon at mga matang walang sorpresa dahil sa kanyang biglaang paghohost.

"Well, maybe, I can't remember a lot about her but some of my relatives enlightened me about how we were back then. I am so glad to be one of the organizers and host for her special day, sa ganoon lamang ay may panibagong alaala ako sa aming magpinsan." natawa siya ng konti at napailing.

I just smiled a bit and sighed lightly. ©?

Alam kong parang hindi nga si Amrose ang aking nakikita ngayon, it was just almost a year but there are changes I cannot figure out now. Kahit ang kanyang mga ekspresyon ay tila bago at walang pagkakakilanlan. Masakit isiping ganoon nga, pero hindi naman siguro habang buhay?

"Oh yeah, special memories come again." anang isang emcee. "We would also like to say thank you for gracing this momentous occasion of Fiore's life 'cause as they say, you only live at eighteen once!"

Nagpalakpakan ang mga bisita habang nakikinig lamang. Some of them were my schoolmates from grade school to senior high, nakikilala ko ang ilang ngunit marami pa rin ang hindi pamilyar.

Ngumisi na lamang ako kahit na mabigat ang dibdib.

"And of course, this party wouldn't have been possible without the parents of the debutante, so let's give a round of applause to Mrs. Fleur and Mr. Arron Barcelo!"

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon