Kabanata 4

133K 4.5K 2.3K
                                    

Kabanata 4
Burning Flowers


Pagkalabas pa lamang ay napabuntong hininga na ako, tahimik kong isinara ang pinto ng music room at dumiretso sa aking silid. Hindi ko maintindihan ang sarili. Last time I told myself, don't ever involved feelings again.

Tama si Rose, I'm just a teenager. I'm just sixteen, I can wait until I turn eighteen and that will be two years from now. My affection for Elexius won't stay like this, I'll have someone else and that's not him. He's out of my reach, we're not going to be what I want.

My weeks went well so far. Pumapasok ako sa eskwelahang may ngiti sa labi dahil tuwing umaga kong nakakasalamuha si Elexius at Jazzer sa agahan bago pumasok, si Jazzer ay madalas sa amin dahil sa kanilang band practice. Si Elexius ay ganoon din, he's the bass guitarist of the band.

At first, I couldn't believe it. Alam kong mahilig siya sa music pero hindi sa atensyon ng mga tao. Well, I'm not saying they're gaining for attention. As for Elexius, he doesn't want to be praised by so many people. Sa nagdaang linggo kasi ay talagang nakaani sila ng mga taga-hanga.

Sa campus palang ay halos sambahin na ang kanilang banda, lalo pa kung sa labas. Kuya Lay's friend have a new opened bar in Laguna just near our campus, food park iyon na may isang stage para sa mga tutugtog.

"Huy, anu na, teng?" madidiing bigkas ni Rose.

Napasinghap ako at nawala ang focus sa pagsusulat ng birthday letter. Inirapan ko siya.

"Ano?"

She flipped her silky hair and flinched.

"Niyaya nga ako ni Saber, sa Suburban daw sila ngayon."

"Hala, Rose? Lumalandi ka kay Saber?" agad kong tanong.

"Oh, bakit, makinis na ako! Anong reklamo mo?" halakhak niya.

"Makinis ka? So kapag kuminis, pwede nang lumandi, ganoon?" mataray kong tanong at muling nagsulat sa stationary.

She laughed even more.

"Ang dumi kasi ng utak mo, pakilinis. Hindi tayo magkatulad, Fiore. Maaring magkadugo tayo pero malaki ang kaibahan. Example na sa utak na marumi mo, at sakin naman ay pure."

Suminghap ako at matalim siyang tiningnan. Hindi ako makatapos-tapos sa aking ginagawa dahil sa panggugulo niya.

"Pure? Saan banda, Amrose? Baka nakakalimutan mong may first kiss ka na at ako ay wala pa? Kung pure ka na niyan, wala nang inosente ngayon." sipat ko pabalik.

Her cheeks blushed quickly, she bit her lips and glared at me.

"That wasn't even a kiss! Stop it!" aniya.

Humalakhak ako at nang-iinis na dinilaan siya.

"Even so! Your lips touched! Iyon ang una mong halik!" panunuya ko.

Kahapon ay puro siya reklamo na aksidente siyang naitulak ni Chloe sa kapatid nitong tulog sa sofa, si Clio. Sumakto raw ang kanyang labi sa labi ni Clio na natutulog, the way she told me the detail was very iconic. She would scream everytime she touched her lips and suddenly she'd pull her hair like a frustrated stupid girl.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon