Chapter 27

104K 4.1K 2.7K
                                    

Dedicated to cherious_han


Chapter 27
Burning Flowers


Jazzer introduced me to his sister that I assumed El's whatever, iyon pala ay nobya ng pinsan ni El na si Linus. Sobrang tagal ko ba talaga sa probinsyang iyon at napakarami ko nang nakaligtaang balita?

Una ay ang balitang si Amrose at El, pero ang totoo pala ay Auntie Dianella at El. Sunod itong kay Linus at Hassena Italia, I was shocked by that because Hassena was really familiar at nakita ko na nga siya noon. Matagal na actually at alam kong siya iyong palaging nakakausap ni El sa cafe, doon ako naguguluhan dahil ang alam ko noon ay parang crush siya ni El.

Or El was just too nice to anyone? Hmmm. Definitely not, but I'm sure that he's a flirt man! Parang lahat nalang sa paligid ay nahuhulog sa sumulpot na kumunoy.

We had a fine dinner with his family, ang parents niya at ang isang kapatid na si Javan at Linus. Nakakataka na hindi sumulpot si El sa hapunang iyon gayong akala ko'y kasali siya at imbitado ngayong gabi.

"And this is Fiore Barcelo," eleganteng pagngiti ng mommy ni Jazzer habang nakatingin sa akin.

I smiled and nodded.

"Yes, Ma. Siya iyong kapatid ni Lay."

"I know her, that name was your always topic with Saber."

"Ma," buntong hininga ni Jazzer.

Napangiti lamang ako dahil hindi ko naman nakuha ang nais noong iparating. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Linus habang nakatingin sa amin ni Jazzer.

Hindi ako close masyado sa kambal dahil mahirap silang kilalanin noong mga nakalipas na taon, noong bata pa ako ay hirap pa akong kilalanin kung sino ang isa sa isa dahil iilan lamang ang kanilang palatandaan na hindi pa halata. For me, mas nakikilala ko si Linus oras na magsalita na dahil mas ramdam ang kanyang kaangasan kaysa kay Rius na parati lamang magaan ang hangin.

Same with their twin cousins, Cyprian and Caspian Segovia. Sa dalawang iyon naman ay wala halos pinagkaiba sa aura pero ang kanilang mga mata ay madaling kilalanin dahil mas chinito si Cyprian at si Caspian naman ay hindi masyado.

Tumawa si Hase.

"I think I saw you somewhere, Fiore." aniya. "Nakita kitang kasama ni El noon, hindi ko lang matandaan kung kailan pero batid kong sinundo ka niya sa eskwelahan dahil nakauniporme ka pa."

My face turned pale and cold. Kumurap-kurap ako nang lingunin na ako ni Jazzer, halos pilitin ko ang sariling matawa ngunit hindi ko nagawa kaya bahaw ang naging labas.

"B-Baka hindi ako 'yon," nag-aalangan kong pagtanggi.

Nilingon niya agad si Linus sa tabi na ngayon ay tila matatawa sa hindi malamang dahilan. Kumunot ang noo ko. Hinawakan siya ni Hase sa braso.

"Siya iyon, 'di ba, Linus? She was studying in Brentdale and we've seen you two, thrice. Hinahatid at sundo ka." marahan niyang sinabi na tila sigurado siya.

Halos pamulahan ako sa pagkahiya. Jazzer looked at me with confusion in his eyes. Humalakhak si Linus at napailing ng tipid.

"Well, baka sinasabay lang ni El kasi parehas naman sila ng unibersidad." agap ni Linus kahit na parang biro lang ang kanyang pagtatanggol.

Nagtanguan sila kaya ngumiti ako at napanatag sa pag-agap ni Linus sa tsismis. Tama lang, para hindi matsismis ang kanyang pinsan na naghahatid-sundo ng senior highschool student!

"But I know my cousin won't be a driver of anyone. So... baka may something?"

Nalaglag ang panga ko sa pagbawi ni Linus sa mababang tinig at may paglalaro. Tumawa si Hase ng pagak.

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon