Chapter 38

109K 3.3K 1.6K
                                    

Chapter 38
Burning Flowers







Ang mga sumunod na araw ay naging magaan at walang problema. It was weird to find it smooth and easy for me while Elexius is working on the farm, he's not used to it but I can see him enjoying with some farmers. He's really friendly, nakikita ko siyang nakikipagtawanan at kahit hindi ako pumupunta sa bukid ay nagpapatuloy lamang siya at hindi ako ginagambala gaya ng napag-usapan.

Tuwing umaga ay magigising na lamang akong may text siya, gaya ng pagbati, pagpapaalala at pag-imporma na siya'y magtatrabaho na kaya hindi makakapagtext. Sa gabi'y ganoon din, naging madalang din ang pagpunta ko sa bukid dahil doon o kaya naman ay iniiwasan kong madaan sa palayan dahil doon siya madalas kasama sila Chart.

"Hindi parin kayo nag-uusap?" nakangusong tanong ni Dolo habang tinitirintas ang ibabaw ng aking buhok.

Nagkibit ako ng balikat.

"Nagtetext naman kami." mahina kong sinabi.

Tumalim ang tingin ni Ofe, ngumiwi pa siya.

"Sinungaling. Kanina ay naririnig namin silang nag-uusap ni Chart. Ang sabi niya'y hindi ka raw nagrereply, miski ang tawag ay hindi mo sinasagot!" sambit ni Ofe.

Napangiwi ako, muling nagkibit balikat.

"Nagtetext ako pero hindi ko sinisend."

Pumarte ang mga labi ni Ofe, pabagsak na binitiwan naman ni Dolo ang aking buhok na para bang nabaduyan siya sa sinabi ko.

"Ano ba naman iyon? Parang ginawa mo namang tungaw ang sarili mo, Fab. Nagtext pero hindi sinend? Ano 'yon?"

"Naku, Fab! Hindi na maganda iyan, akala ko pa naman matapang ka. Iyon pala duwag sa pagsend ng text."

Panay ang talak nila sa aking dalawa na ikinakatawa ko lang. Puro sila reklamo tungkol sa hindi namin pag-uusap ni Elexius.

"Fab, sayang oras. Hindi dapat pinatatagal ang ganyan, hindi nakakabuti sa relasyon niyo kung puro tampuhan." abiso ni Dolo, tinutuloy na ang pagtitirintas sa aking buhok.

Bumungisngis ako.

"Naiinis pa kasi ako sa kanya. Kung kayo ang may boyfriend na katulad niya, malamang ay mas malala pa kayo sa tampo ko ngayon." sabi ko. "Nakakainis kaya siya, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya parating isipin si Auntie."

Ngayon lang ako nagsabi sa kanila tungkol sa nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw pero naikwento ko na iyong nangyari sa pagitan naming lahat. Gaya ng sakit ni Auntie, iyong dahilan kung bakit concern si Elexius ay dahil alam niya ang hirap noon lalo na't ganoon din ang sa kanyang Mama.

"Sinabi mo ngang may sakit iyon, Fab. Maaring concern si El, pero hindi naman siguro iyon ang magiging dahilan ng hiwalayan ninyo." si Dolo.

"Oo nga, kasi hindi naman biro iyong may mental illness. Madaling sumama ang loob nila sa simpleng bagay. Kahit nga may marinig lang na tungkol sa ganoong sakit ay nai-stress na sila." ani Ofe sa nakakaintinding paraan.

Napapikit ako ng mariin.

Ako ba talaga ang hindi makaintindi sa lahat? Sa ganoong sakit? Paano naman iyong sakit na nararamdaman ko kapag may gagawin iyong hindi maganda sa paningin? Ako nalang ang iintindi?

I can understand why he's concerned, but the fact that she would do anything even Elexius has me, parang iba na. Baka hindi lang iyon ang magawa sa susunod... mas malala pa.

"I have feelings, too. She kissed Elexius. Boyfriend ko. Kung iba ang nakakita noon, ano sa tingin niyo ang mararamdaman? Sige, isipin niyong kayo ang may nobyo at biglang may ganoong mababalitaan... lalo pa na malayo ako sa kanilang lugar, feeling ko pinagkakaisahan ako."

Villareal #2: Burning FlowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon