Chapter 18

4.9K 98 4
                                    

Chapter 18

SOL'S POV

"Can we talk?" tanong ko kay Shine pagkalabas ko ng kwarto

"About what?" tanong naman niya pabalik kaya tinabihan ko siya. Nandito kaming dalawa sa terrace ngayon at nagsimula na kaming mag-usap.

"Sorry kung ganun yung inasta ko ah? Tsaka salamat sa pag-intindi" humarap siya sa akin at hinawakan ang mukha ko. Nginitian niya naman ako bago magsalita.

"Lahat gagawin ko para sayo. Alam mo kung bakit? Kasi mahal pa rin kita" bigla akong napatahimik dahil sa sinabi niya "Just let me fix your broken heart. Tutulungan kitang kalimutan siya. At hayaan mo akong gawin yun para sayo" niyakap ko siya at muli akong napahagulgol

"Salamat sa pagmamahal mo ah?"

"Ssshh. Tahan na"

--

Kinabukasan

"Johann, ano yang niluluto mo?" tanong ko pagkababa ko sa kusina

"Ah eto? Almusal nating dalawa"

"Nating dalawa? Bakit? Nasaan ba si Shine pati si Joaquin?" nagtataka kong tanong sa kanya

"Nagparegister si Joaquin. Si Shine naman, may inaasikaso daw" napatango na lang ako at naglabas na ng mga gagamitin sa pagkain.

"I'll grab this opportunity na. May gusto kasi akong sabihin sayo eh" inilapag niya na ang mga pagkain sa lamesa at nagsimula na kaming kumain

"Ano naman yun?"

"Mahal kita Sol. Kayo pa lang ni Kent noon, minahal na kita. Alam mo ba, nung nawala ka sa lugar namin, naging malungkot ang buhay ko. Kaya ngayon, hindi na kita hahayaan pang mawala sa akin" sa sinabi niyang yun, napaisip ako. Paano si Shine? Paano si Johann?

Sigurado akong isa sa kanila ang masasaktan sa huli. O kung hindi isa, pareho. Ano bang meron sa akin?

"J-Johann kasi.. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kagabi lang, nag-usap kami ni Shine about his feelings. So, isa sa inyo, kailangang masaktan"

"Hindi naman kailangang may masaktan eh" napalingon ako sa likod ko at nakita doon si Shine "We can be together. Tayong tatlo" nagulat ako sa kasunod niyang ginawa, hinalikan niya si Johann nang malalim.

"S-Shine?"

"Sol, alam kong ayaw mo ang nakakasakit ka ng tao. Pero alam mo? Walang masasaktan kung magiging tayong tatlo"

Wala na akong alam sa mga susunod na nangyari pero naramdaman ko ang sarili kong dahan dahang tumango sa kanya

--

a/n: Changes </3

This Book 2 is up to Chapter 18 only.

I know, most of you will say na bitin ang story na ito. Siyempre, may book 3 pa. And for my college life, hindi ko pa po masisimulan ang book 3. Prologue muna po ang maipopost ko for that :)

Maraming salamat sa mga sumuporta.

Theme song of the whole book is Everything Has Changed by Taylor Swift ft. Ed Sheeran

Changes (Book 2 of Master's Slave)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon