Chapter 4

3.7K 122 4
                                    

Chapter 4

Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi. Hindi siya nagrereply sa mga text ko hanggang ngayon.

"Oh, mukha yatang ang lalim ng iniisip natin ah?" tumabi sa akin si ate Pearl dito sa upuan namin sa garden

Huminga ako ng malalim at pinilit kong ngitian siya.

"Ano bang problema? Nag-away ba kayo ni Kent?" halata sa boses niya na nag-aalala siya. Inakbayan niya pa ako tulad ng akbay na ginagawa ko sa kanya noong nag-aaral pa kami.

"P-parang ganun na nga" malungkot kong sagot sa kanya "Hindi ko alam kung away ba talaga yun. Sa tingin ko, misunderstanding lang" pagpapatuloy ko pa

"Eh ano bang nangyari?" she gave me a worried look at doon ako nagbreakdown

"Ate, kasi... Hindi niya sinasagot yung mga tawag ko. Hindi siya nagrereply sa mga texts ko. Hindi niya ako pinapansin dahil sa maling pagkakaintindi niya. I called Ryan last night as baby tapos nagselos siya kaya natawa ako,. I don't know. Binaba niya na ang tawag after that. Tapos doon na nagsimula lahat" isinandal ni ate ang mukha ko sa balikat niya. She patted my back afterwards.

"Dati, pinoproblema mo lang kung paano ka aamin sa family natin. Dati, pinoproblema mo lang kung anong reaksyon ng crush mo pag nakikita niya yung mga pictures mo sa fb. Ngayon, ganyan na ang mga problema mo. I can say that you're really a grown up man already. Sa sitwasyon niyo ngayon, I can say that the both of you was wrong. He misinterpret, you laughed. Pero sana magkaayos kayo" niyakap ko si ate pabalik. When we were younger, siya na talaga ang kakampi ko. She's the first one to know that I'm gay. Kaya lang, hindi niya ako kayang ipagtanggol noon kaya wala siyang nagawa nang palayasin ako.

"S-salamat ate"

Nagulat kami nang tumakbo si mommy sa side namin at niyakap din kami.

"I heard everything" sabi ni mommy nang maghiwahiwalay kami "And I can say that wag niyong pairalin ang pride niyo. Some things happen because of a reason or a purpose. Malay mo, may pinanghuhugutan pala yung selos niyang yun? O kaya naman may ibang dapat mangyari sa inyo?" nagtaka ako kay mommy sa sinabi niya

"What do you mean ma?" naguguluhan kong tanong sa kanya

"Nang mga bata pa kami ng daddy mo? Nakidnap ako. Pero alam niyo ba? Naging kami ng daddy niyo because of that" masayang kwento niya sa amin.

Now, I get her point. Pero kung ganun nga, what is the reason or purpose why it happened?

--

a/n: Divided again sa dalawang parts ang chapter na to :) Dahil mahal ko kayo, update na kahit di niyo ako pinagbigyan sa last chappie. Ahaha.

Changes (Book 2 of Master's Slave)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora